Shin

70 1 0
                                    

One week.


One hell week.


Isang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas ang  tungkol sa amin ni Luhan.


Isang linggo na akong nagkukulong sa bahay at 'di makalabas dahil may nakaabang na reporter sa labas.


Isang lingo na akong nakakatanggap ng mga dead treats, mga sulat, mga kung ano ano pa sa mga kanyang fans at hinihiling nilang sana mamatay nalang ako.


Isang linggo narin akong nakakatanggap ng mga masasakit na salita sa mga tao.


Isang linggo na simula noong denaactivate ko ang aking facebook, twitter, instragram, and other accounts that I have.


Isang linggo narin simula noong pinaramdam sa akin ng mga tao na hindi kami bagay sa isa't isa.



Isa lamang akong hamak na simpleng tao samantalang siya...tinitingala at iniidolo. Hindi ako nararapat sa pagmamahal at atensyon na ibinubuhos niya sa akin.



Hindi ko nga rin alam kung bakit nangyari ang ganito sa relasyon naming dalawa. Naging maingat naman kami sa pagtatago ng relasyon namin at sa bawat pupuntahan naming dalawa sinisigurado kong walang makakakilala sa kanya. Pero sadyang ganoon nga talaga. Darating at darating din sa punto na malalaman ng ibang tao ang sikreto mo. Dahil walang lihim na hindi na bubunyag. Lalo na at sikat pa ang lalaking dinedate ko.



Inaasahan ko naman iyon pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin kung dumating ang araw na ito.



I'm lost.



I don't know what should I do?



Should I give up?



Alam ko kasing nahihirapan narin siya sa sitwasyon naming ngayon.



Naaapektuhan ang kanyan grupo at career ng dahil sa akin.



Kung hindi kaya ako umamin sa nararamdaman ko sa kanya, mararanasan kaya nila ang delubyong ito?



Hindi naman lingid sakin na marami na silang pinagdaanan ngayong taon dahil sa pagkawala ni Kris sa grupo nila pero heto ako dinadagdagan ang problema niya pati narin ang ibang members sa EXO.



Ano pa nga ba ang dapat kong gawin?




Itatanggi ko bang hindi kami magkarelasyon?



Kailangan ko na bang magsalita  tungkol sa isyung ito samin?



Mananahimik nalang ba ako o lalayo?



Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang mga taong nag-aalala at nagmamahal sa akin. Nagring ng talong beses bago may sumagot.



"Hello...I-I...can't do this anymore."

Dear CupidWhere stories live. Discover now