Sulat #10

98 1 0
                                    

Dear Cupid,

        Ayos rin pala ang magliw-aliw sa mall no? Haha. May maganda palang patutunguhan 'yon. Kita mo naman nagtagpo ulit ang landas namin ni Future Asawa ko. Ayii! Salamat ha Cupid? Alam ko namang ikaw may gawa nun.

        Alam mo ba Cupid habang tinatanong niya ako kanina kung pwede kaming magsabay maglunch sobra akong kinilig... sobrang nagulat.. naexcite.. haha.. ganoon pala iyong feeling kapag niyaya ka ng gusto mo. Parang Heaven!

        Hindi ko nga lubos maisip na yayayain niya ako.

        Alam mo 'yun Cupid. Grab the oppurtunity.

        Isinantabi ko muna ang mga bibilhin at kasama ko para lang sumama sa kanya. Hanep no? Tsaka kinapalan ko na rin ang mukha ko para kausapin siya ng todo.

        Wala ng hiya hiya ngayon. Kung wala akong gagawing step para magkadevelopan di NGANGA nalang ako forever diba? Kailangan may gawin ako at 'yun ay ang medyo magpahiwatig sa kanya na trip ko siya Cupid. Konting kembot lang naman.

        So kahit di ko siya gaanong kilala at kahit alam kong maraming mga manloloko ngayon tulad ng budol-budol gang at others.. ay ninais ko paring paunlakan ang kanyang paanyaya. Aba! 'Yun na 'yun Cupid. Alam kong chicks ako. Pero di uso sakin ang pachicks. Ayokong magpachicks baka kasi mawala pa 'yung chance. Nangangamoy boyfriend at kung hindi ako sumama baka maging bato pa. Right? So hindi ako malandi! Hindi rin ako easy to get! Sadyang mapagbigay lang ako. Hihi xD

        Pagsakay namin sa Kotse niya. (Oo, Cupid rich kid si kuya.) haha. Pumunta kami sa sinabi niyang restaurant.

        Nag-usap muna kami habang hinhintay namin 'yung order namin.

        Marami akong nalaman sa kanya. First of all, his name is Zayne Renz Hayward.

        Diba ganda ng name? Pak na pak! Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya Cupid. Gwapong gwapo ang dating.

        Anyway, back to the topic , He is 26 years old. Anebey, Kinikilig na ako. Tinadhana talaga kami sa isa't isa no? 23 years old ako siya 26. Diba tamang tama ang age gap namin? Pwede na kaming ikasal ngayon din. Hahaha.

        Patuloy parin kami sa pagkwentuhan kahit tapos na kaming kumain. Grabe Cupid, sarap niyang kadaldalan. May sense of humor si Zayne. Bagay kami. Ay hindi pala tao kami. Harhar.

        Feeling inlove na sana ang peg ko Cupid kong wala lang asungot na humila sakin paalis sa aking Future Asawa.

        Problema kaya nung lalaking 'yun Cupid?

        Sino pa ba ang tinutukoy ko kundi 'yong bestfriend kong ugok. Kahit naka disguise yan para hindi makilala ng mga tao alam ko pa ring siya yun. Naku, sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin.

        Yup, let's talk about pinagsamahan kasi mukhang hindi niya ata nagets na gusto kong lumablyf muna. Tss. Sarap ibasura e, panira ng moment.

        "Ano ba Lu. Alam mong may kausap ako tapos bigla bigla ka nalang naghihila ng walang pasabi. Nakakahiya naman kay Zayne ." sigaw ko sa kanya.

        Aba sumusobra na siya. Hindi pa nga siya nakabawi sa nagawa niyang kasalanan sakin nung nalasing siya tapos heto na naman at gumagawa na naman ng panibago. Minsan talaga ang hirap niyang tantyahin.

        "Wala akong pakialam sa kanya. Bakit ka ba basta basta nalang sumasama sa hindi mo kilala?" nakakunot pa ang noo nito habang nagsasalita.

        "Paano mo nasabi na hindi ko siya kilala?"

        "Dahil alam ko. Dahil lagi kitang sinusun--ay basta alam kong hindi dahil hindi ko pa siya nakikilalla." sagot naman nito agad.

        "Tse. Diyan ka na nga. Babalikan ko lang dun si Zayne. Nahihiya talaga ako sa ginawa mo."

        "Nahihiya ka sa kanya tapos sakin hindi? Eh ako iyong pinaghintay mo ng higit isang oras sa mall. Akala ko ba may lakad tayo? Porket nakakita ka lang ng gwapo nakakalimot kana. Nakakaasar ka rin no?" inis na tugon naman niya.

        "Tss. Wala rin palang silbi ang pagcacancel ko ng ibang sched ko para sayo." He murmured pero dinig ko naman. Nakunsensya tuloy ako.

        "Ay nga no. okay I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. I just grab the oppurtunity na makasama kami nga aking Future Asawa ko. Sorry I forget to tell you na hindi tayo matutuloy. Masyado akong naexcite na makasama siya. Sorry kong napaghintay kita. Next time di ko na uulitin na hindi ka matext o hindi ko man lang masabi na hindi tuloy. . Sige babalikan ko lang siya. Nakakahiya e. Tsaka na natin problemahin 'yang pinuputok ng butchi mo na dahil sa pag indian ko sayo."

        Sumimangot naman siya. "What? Future Asawa? What was that?" Ay infairness 'yun lang ata ang narinig niya. Tumingin pa siya sakin para makomperma kong totoo ba 'yung nasabi ko.

        Ngingiti-ngiti naman ako. " Alam ko kasing siya 'yong nakatadhana sakin. Ang magiging Future father of my child."

        "You've got to be kidding me!" Napaface palm pa siya. Aba anong masama sa sinabi ko? "As in siya talaga? Siya talaga ang naisip mong magiging ama ng mga anak mo?! Wow! As in Wow lang. Sige pakasaya ka. Punta ka na sa kanya. Tss! Kahit kailan talaga ang manhid mo." ika nito at sumakay na siya sa kotse niya tapos umalis.

        Ako naman ay nakatayo pa rin doon. Anong nangyari doon? Nawalk-out si kuya? Problema kaya noon? Hay naku! Wag niya akong isali sali sa pagkabroken hearted niyang loko siya. Pati ako dinadamay. Hmp! Bahala siya. Kailangan ko pang ipagpatuloy ang nasira naming date ni Zayne. Hihihi ^_~. Date daw? Choz lang.

Shin

Dear CupidWhere stories live. Discover now