He earned my father's trust. The smartass villain knows well how to appear likable infront of a ruthless king. Nakakabilib talaga itong si Hiro.

At ang naalala ko, gusto rin ito ni Mommy. Guwapong guwapo si Mommy kay Wayt pero namamangha siya kay Hiro. Like there's something about him that's addicting. Ewan ko nga lang kung ano.

Roche:

What are you doing outside?

Sumasandal pa ako sa aking upuan at kakatapos lamang kumain nang mabasa ang text ni Roche.

He's asking what I'm doing so I told him I'm outside.

Ako:

Galing akong simbahan. Nagpractice kami ng mga choir members tapos nagkayayaan kumain :)

"Maaga ka bang uuwi, Franca? Nood tayong live band sa Strumm's," si Hattie, isa rin sa close ko na choir member.

Roche:

Where? I'm outside, too.

"Sige. Sama ako," sabi ko habang nagtitipa na ulit ng mensahe para kay Roche.

Ako:

Pupunta kaming Strumm's. Manonood sila ng live band. Sasama ako.

Sumama rin ang boys sa amin. Panay ang ngiti ni Mateo habang pumapasok kami lalo na't siya ang nasa aking gilid.

"Kain tayo ng ice cream sa labas mamaya, Franca," anyaya niya.

"Libre mo?"

"Sige ba!" nangingiting haplos niya sa batok habang naglakakad na kami patungo sa table.

"Uy ang pogi noong drummer!" turo ni Ricia sa stage.

Dim ang loob at may neon light sa harapan. May mga tables na inuukupa ng iilan. Pagkaupo ay inabala ko agad ang sarili sa cellphone lalo na't nagreply si Roche.

Roche:

My friend is there right now.

Friend? Kuryoso akong naghanap sa paligid kung may katulad ba ng aura ni Roche. Napunta saglit ang tingin sa stage at napansin ang pinag-uusapan nila Hattie na drummer. He looked so badboy, like someone who has a bad temper because of those furrowed brows.

Roche:

Nasa labas ako.

Tumayo ako nang mabasa iyon. Napatingin sila sa akin.

"Ah. Lalabas lang ako. May friend ako na pupuntahan at naghihintay sa labas," sabi ko.

"'Yung ice cream natin, Franca," si Mateo.

"Uh... next time nalang, Mateo. After nalang ng performance. Baka mamaos boses natin," sabi ko.

Tumango siya kahit ramdam ko ang kanyang lungkot. Natawa si Patric at tinapik ang kanyang balikat.

"O hindi ka naman binasted! Tinanggihan ka lang mag ice-cream!" rinig kong sabi nito habang naglalakad na ako palabas.

Pagkalabas ng pinto, natanaw ko agad si Roche na nakapamulsa sa gilid, tumitingin tingin sa mga tao suot ang leather jacket at puting tshirt sa panloob.

"Roche," tawag ko.

Napatuwid siya siya sa pagkakatayo. Naglakad siya patungo sa akin. Ngumiti ako habang nakahawak sa sling ng aking crossbody bag.

Tumigil ako at hinintay siya. Kitang kita ko kung paano niya ako pinasadahan ng tingin. Kung hindi siya ngingiti, pakiramdam ko kaonting kalabit lang sa kanya makikipagsuntukan na eh.

R U L E D (NGS #10)Where stories live. Discover now