Umakyat din ako sa hagdan. Hinayaan ko na sila sa ibaba. Nakaya ko pang maghalf bath ngunit bagsak din pagkatapos sa kama.

Hindi ako maagang nagising kinabukasan. It's Saturday so I don't have to worry. May practice lamang mamaya sa simbahan.

Humawak ako sa barandilya at bumaba na nang matanaw si Hiro sa sofa, nakahalukipkip at pikit ang mga mata habang nakaupong natutulog.

Kuryoso akong lumapit. Halos nakatingala ito lalo na't ginawa niyang unan ang headrest ng sofa at nakaawang pa ng kaonti ang mga labi, ang buhok ay magulo at mahimbing ang tulog.

Iisipin ko sanang inapi ni Dad at pinagkaitan ng kuwarto kaya hindi pinagamit ang guest room kaso nang matanaw ko sa ilalim ng mesa ang nakasilip na mga paa ni North, natutulog sa sahig, nabura rin ang iniisip ko.

Tiningnan ko sa mesa ang kaninang ininom na whiskey at pulutang hindi naubos. Naubos nila ang isang bote at mukhang si North itong lasing na lasing dahil sa sahig na dumapa habang si Hiro ay mukhang nakatulog lamang sa sofa, marahil dahil lamang sa kaantukan.

Nakita ko ang paggalaw ni Hiro. Umahon siya at nagmura habang hinahaplos ang ulo. Ayan... nakainom na 'to sa yate tapos nakipag-inuman pa sa pinsan ko.

Umahon ang ulo ni Hiro at pikit-matang tumingin sa akin. His eyes squinted and groaned more as pushed his head back to the headrest of the sofa.

"Good morning," namamaos niyang bati.

"Morning," sabi ko.

Huminahon ang mukha ni Hiro. Natanaw ko ang kasambahay na dala ang tray. May dalawang peppermint tea na naroon.

"Pinapautos ng Mommy mo na ibigay ito sa dalawa pag nagising," aniya habang inilalapag na iyon sa mesa.

"Umalis na si Mommy at Daddy?" tanong ko.

"Oo hija. Maaga sila," si Manang habang inabala nang linisin ang kalat sa mesa.

Noong lumingon ako kay Hiro ay dumidilat na siyang muli. Pinasadahan niya agad ang magulong buhok at tinanaw si North sa sahig.

Nailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Nagtungo ako sa kusina para magpahanda ng sarili kong breakfast. Si Manang Jema ang umasikaso sa akin at ngumingiti pa.

"Manliligaw mo 'yung kasama ng pinsan mo? Delafuente 'yon, 'di ba?" kuryoso niyang tanong habang abala sa paghahanda ng aking makakain.

"Opo Manang, at hindi po siya manliligaw ko," I smiled.

"Oh? Kay guwapo talagang bata! Akala ko nanliligaw at naglakas loob lang na dumalaw rito. Nagpapasuyo kasi ng pulutan kagabi ang Dad mo. Sumali siya sa pag-iinuman ng dalawa."

Sumali si Dad? I am aware that my father isn't the friendly type person. Niyaya ni North?

"Ako nga ang nininerbyos para sa bata. Alam mo naman ang Daddy mo at nagbibiro pa iyon na titirikan ng bala ang ulo ng mga lalakeng mangangahas na manligaw sa'yo," sabay tawa ni Manang habang inilalapag na sa aking harapan ang niluto.

Nahulog pa ang aking tingin sa bacon at pinanood ang pinagpapatong ni Manang Jema na pancake. Inilapag niya ang chocolate syrup lalo na't ako ang mahilig na maglagay.

"Simula noong naging eighteen ka ni isa ay wala pang nangangahas na pumunta rito at umakyat ng ligaw. 'Yan palang ang napansin kong nakapasok dito nang walang okasyon kaya inakala ko talagang manliligaw na," patuloy ni Manang habang binibigyan ako ng kubyertos.

And Hiro just effortlessly went here. Gustong gusto ng aking pinsan, at may pag-asa ring makuha ang loob ni Dad. He will definitely pass as a visitor in this house. My father will probably approve his visits if he'll ask for a permission.

R U L E D (NGS #10)Where stories live. Discover now