Kabanata 1

93 12 9
                                    


“Good night.”

***

"Anak, ikaw ba'y masaya?"

"Opo, aking Talam! Hiling ko'y wala na po itong katapusan!" magiliw kong sagot kay Talam. Maya-maya'y nawala sa kanyang mukha ang ngiti. "Ngunit, anak, ang kasiyahan ay hindi sa lupaing ito makakamtan." Ako ay nagtaka sa kanyang naging wika.

***

Walong taon ang nakalipas...

"Ipinatatawag ko ang lahat dahil mayroon akong anunsyo. Salamat at kayo'y pumarito, aking mga Dahor. Ngayong araw, sa tapat ng naglalagablab na araw ay ipapabatid ko sa inyo na, bukas, tayo ay magsisilihis nang tuluyan sa lupaing ito."

Nakaramdam agad ako ng lungkot sa aking narinig. Matagal ko nang hiling na hindi ito mangyayari. Maging ang mga kasamahan ko na nakatingala kay Umba ay bakas din ang kalungkutan sa kanilang mukha. Bakit kami aalis dito?

"Kayong mga Dahor at ako na isang Umba at ang mga puno, mga hayop, ang dagat, ang buwan at araw, mga bituin, lahat ng inyong nakikita ay nilikha sa Makapangyarihang Yahweh. Gayon man, ang lahat ay hindi nagtatapos sa lupaing ito. Nilikha tayo upang magliwaliw sa iba't ibang lupain. Sisiguraduhin nating makakarating tayo sa Lupain ng Kaluwalhatian. Doon natin makakamit ang walang tigil na kasiyahan at iyon ang ating layunin. Ganoon ang nakasulat sa ating tadhana at wala tayong magagawa roon," wikang muli ni Umba.

Nakita kong may tumayo sa 'di kalayuan na isang Dahor din na katulad ko.

"Bakit, Umba? Hindi ba natin makakamit ang walang tigil na kasiyahan sa lupaing ito?" matapang na tanong nito. Bakas din sa kanyang mukha ang galit at pagkadismaya.

"Paumanhin, Hagor, ngunit hindi sa lupaing ito makakamtan ang walang hanggang kasiyahan," mahinahong sagot ni Umba.

Muling umupo ang nagtanong na si Hagor. Marahil ay hindi niya rin matanggap na kami ay aalis sa lupaing ito.

Si Umba ang lider sa aming pangkat. Siya ang namamahala sa amin at siya ay ang sugo ni Makapangyarihang Yahweh na mamuno sa amin. Mga Dahor naman ang tawag sa aming mga miyembro ng pangkat.

"Sa inyong paglalakbay, huwag ninyong hahayaan na kayo'y mahulog sa dagat ng putik. Pero kapag nangyari 'yon, huwag na kayong umasa na kayo pa ay makakarating sa Lupain ng Kaluwalhatian sapagkat kayo ay hindi na nararapat doon."

Nagtaka ako sa naging wika niya. Ang sabi niya'y maglalakbay kami, ngunit paano kung mahulog nga kami sa dagat ng putik, kami ba'y titigil na sa paglalakbay? Kung ganoon, ano na ang mangyayari sa amin? Naglakas-loob akong tumayo.

"Umba, paano po kung kami nga'y mahulog sa dagat ng putik at hindi na kami makakarating sa Lupain ng Kaluwalhatian? Hindi ba't sabi ninyo na kami nga ay maglalakbay? Paano po kung kami nga'y mahulog do'n, titigil po ba kami sa paglalakbay? Kung ganoon, ano po ang mangyayari sa amin?" sunod-sunod kong tanong habang titig na titig kay Umba.

"Mahusay na tanong, Alora. Kung kayo nga'y mahulog sa dagat ng putik, ang gagawin ninyo ay ang magpatuloy lamang sa paglalakbay-"

"Kahit kami na'y wala nang patutunguhan?" putol ko sa kanya.

"Oo, kahit kayo na'y wala nang patutunguhan. Kaya nga'y inyong pagbutihin na huwag mahulog sa dagat ng putik."

Napatulala ako sa aking narinig. Hindi ko maipapangako na magiging perpekto ang aking paglalakbay dahil hindi naman ako si Makapangyarihang Yahweh na perpekto sa lahat ng bagay. Bakit tila hindi iyon batid ni Umba?

***

"Maligayang kaarawan, Alora!" bati sa akin ni Talam Agera. Talam ang tawag sa aming mga ina, Talum naman ng tawag sa aming mga ama. Ngumiti ako sa kanya nang matamis at ganoon din siya.

ALORAWhere stories live. Discover now