Chapter 41 part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

“Huwag ka ng magmaang maangan diyan narinig mo ang usapan naming ni Nestor.”  Tukoy ni Jesica sa waiter na kausap kanina.

Malakas na napahalakhak si Franco ng makita ang expression sa mukha ng kaibigan. Mula noon ay laging napipikon si Jesica tuwing inaasar niya ito. “Sino ba ang nagbigay ng mga yan?” Pangungulit ni Franco.

“Tigilan mo nga ako Franco! Ang mabuti pa ang asikasuhin mo na lang yang mga niluluto mo at baka pumalpak tayo masisira ako sa mga costumers ko.  Hwag mong sirain ang tiwala ko sayo.” Nakangiting sabi ni Jesica.

“Yes ma’am. “ Tatawa tawang tumalikod si Franco pero ilang minute lamang ang lumipas ay binalikan niya si Jesica. “Mukhang inlove ka na ulit kay Vincent ah!” Sabay akbay nito.

 

 

“Ano ba? Asikasuhin mo na lang nga ang ginagawa mo.” Hinayaan lamang niyang nakaakbay si Franco sa kanya habang pinagpatuloy ang ginagawa.

“Akala ko ba busy ka?” Galit na sabi ni Vincent. Masama rin ang  pagkakatingin niya sa kamay ni Franco na nasa balikat ni Jesica. Iniisip pa lamang niyang may ibang lalaking hahawak sa dalaga ay nag-iinit na ang ulo niya. At ngayon ay halos gusto na niyang sugurin ng suntok si Franco.

Agad na naramdaman ni Franco na hindi nagustuhan ni Vincent ang inabutang tagpo kaya walang salitang iniwanan ang dalawa. Ayaw na muna niyang makagulo sa kanila dahil hangad din naman niya ang kaligayan ng kaibigan.

“What are you doing here? Restricted area ito.” Sita ni Jesica kay Vincent.

 

 

“Ano ang ibig sabihin ng naabutan ko?” Hindi pinansin ni Vincent ang sinabi ni Jesica.

“Why? Are you jealous?” kibit balikat na tanong ni Jesica, ang intensiyon lamang niya ay asarin ang binata.

“Damn! Yes, I am!” Pasigaw na sabi ni Vincent. Lumapit siya kay Jesica at   hinawakan ang mga balikat nito para magtama ang paningin nila.

Halos hindi makagalaw sa kinatatayuan si Jesica.  Kitang kita niya sa mga mata ni Vincent na nahihirapan din ito. Hindi niya natagalan ang mga titig ni Vincent kaya napayuko na lamang siya.

Masuyong sinapo ni Vincent ang mukha ni Jesica. “Pinagsisisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right.” Pagsusumamo ni Vincent.

“Pinagtabuyan mo ako noong mga panahon na kailangan kita.” Lumuluhang saad ni Jesica.

“I know and I admit that I was an asshole. Pero nandito na ako ngayon gusto kong mabuo ang pamilya natin.” Pinunasan ni Vincent ang luha ni Jesica. Naninikip ang dibdib niya habang nakatitig dito, damang dama niya ang paghihirap na dinanas ni Jesica noon. She didn’t deserve to be treated like that pero dahil sa kanyang pride ay nasaktan niya ang dalaga.

“You left me all alone. Inantay kita. Umasa na baka sakaling darating ang panahon na maalala mo ako at babalikan. Vincent, para akong tanga na nag-antay sa wala. Alam mo ba iyon ha?!” Pauloy sa pagluha si Jesica. Muling nanariwa ang mga paghihirap na naranasan niya.

“If I could turn back the time where I met you and longed you in my arms. Oh God Jesica… If you only knew, how much I’ve loved you from the time we met and until now, at this very moment I still love you ang I really do. Gagawin ko ang lahat to win your heart back.” Mahigpit na niyakap ni Vincent si Jesica, kahit man lang sa ganitong paraan ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ng dalaga. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon