Mundo ng Perpekto

1 0 0
                                    

https://www.blogspot.com/garry_perpekto

Home | Lifestyle | Sport | About | Subscribe

Introduction

Lumaki ako sa isang maayos at may karangyaang pamilya. Pangatlo ako sa apat na magkakapatid. Ang mga magulang ko ay mga taong kinikilala ng bawat sambahayan sa aming komunidad. Ang aking ama, si Gerard Perpekto ay isang kilalang businessman na madalas tumutulong sa aming komunidad. Nagbibigay siya ng hanapbuhay sa bawat sambahayan at madali siyang lapitan kung mangangailangan ang isang tao ng tulong. Ang aking ina, si Jessa Perpekto, ay katuwang ng aking ama sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang panganay nilang anak, si Gilbert Perpekto, ay isang sikat na atleta ng kolehiyong kaniyang pinapasukan. Ang aking ate, si Jenny Perpekto, isang modelo sa isang kilalang magazine na kilala rin bilang isa sa mga matatalinong estudyante ng kanilang paaralan. Ako, si Garry Perpekto, ay ang ikatlong anak ng pamilya Perpekto na kilala bilang isang bata na mahusay gumuhit. Marami sa mga patimpalak na sinalihan ko ay nakuha ko ang first prize. Ang bunso naming kapatid, si Jana Perpekto, sa murang edad pa lang ay nakitaan na agad ng potential sa pagiging artista. Naitampok na siya sa ilang mga commercial sa telebisyon kaya marahil ay kilala na siya ng marami.

Madalas nagkakaroon ng pagsasalo sa aming tahanan bunga ng mga pagtatagumpay na natatanggap ng bawat isa sa aming pamilya. Laging bukas ang aming sambahayan sa mga taong nais makisalo sa aming mga pagtatagumpay. Walang isang linggo ang lumilipas na hindi nagkakaroon ng pagsasalo-salo sa loob ng aming tahanan. Laging bukas ang mga ilaw. Palaging maingay ang mga taong nag-uusap. Palaging marami ang mga pagkain na nakahain sa hapag.

Madalas napupuno ng tao ang aming tahanan na karamihan ay mga kakilala, business partner, kaibigan, mga politiko, mga tao na may katayuan sa lipunan. Walang taong nakakasalo sa hapag namin na masasabing pangkaraniwan. Lahat ay mga may mataas na katayuan sa buhay. Lahat ay kilala sa lipunan. Ang mga pangkaraniwang tao lamang na makikita sa loob ng tahanan namin ay ang mga tagapagsilbi na hindi maaring makipag-usap sa sinuman sa mga bisita.

Sa tuwing may pagsasalo sa aming tahanan ay nakahiwalay ng silid ang mga matatandang babae, matatandang lalaki at ang mga kabataan. Bawat isang grupo ay may kani-kaniyang mga silid upang makupaghalubilo sa isa't isa. Hindi maaring lumipat ng silid ang mga kabataan sa silid ng mga matatandang babae, gayon din naman ang mga matatanda sa silid ng mga kabataan.

Published: January 2013

The National Team

Nakapasok ang kuya ko sa National Team. Isang taon pa ang kakailanganin niya para maka-graduate sa kolehiyo pero inalok na agad siyang sumali sa National Team na agad naman niyang tinanggap. Mas dumoble ang oras niya para mag-ensayo. Sa umaga ay mag-eensayo siya sa basketball team ng kanilang unibersidad, sa hapon naman ay pupunta siya sa lugar kung saan nag-eensayo ang National Team. Dahil dito, nagkaroon na naman ng dahilan ang pamilya namin upang magkaroon ng salo-salo sa aming tahanan.

Inimbitahan ni Papa ang kanilang mga kakilala, business partners at ang mga taong may katungkulan sa pamahalaan. Isa na namang gabi na magiging abala ang aming tahanan sa pagpapatuloy ng mga bisita. Mapupuno na naman ng mga taong walang ibang ginawa kundi ang ipagmalaki ang kanilang mga nakamtan. Wala na namang ibang maririnig kundi flattery, boasting at mga bagay na hindi naman importante.

Sa ganitong mga ingay napupuno ang aming sambahayan sa tuwing magkakaroon kami ng mga bisita. Ang kabi-kabilang papuri at pagmamayabang ang nakaririnding ingay na musika sa tainga ng mga taong nagkalat sa sambahayan namin. Wala akong pakialam sa kung anong magiging laman ng usapan ng mga taong ito. Mas inaalala ko kung paano ito matitigil sapagkat natatapos ang ganitong mga pagsasalo-salo sa tuwing malapit nang sumapit ang hatinggabi. Sakay ng mga mararangyang mga sasakyan ay kaniya-kaniyang aalis sa aming sambahayan ang mga taong nagsidatingan sa aming sambahayan.

TresWhere stories live. Discover now