Playlist

0 0 0
                                    

Music Player

Albums — Artists — Tracks — Playlist — Genre

Now Playing — Track 01

[Music Playing]

Puno ng dugo ang kamay ko na may hawak na boteng binasag. Sa harapan ko nakahandusay ang isang lalaki na nasa mahigit singkwenta na ang edad. Nakalapat ang buo nitong likod sa sahig habang ang ulo naman ay nakasandal sa pader. Nakadilat ang mata nito na nakatingin sa direksiyon kung saan ako nakatayo—ngunit alam ko sa sarili ko na wala na siyang buhay.

Seryoso ko siyang tinitigan habang mainam akong nakatayo sa mismong harapan niya, sa kaliwa ko ay naroon ang kama niya at sa likuran ko ang bintana ng kwarto niya na nasa ikalabinlimang palapag ng hotel.

Mabagal akong lumapit sa kinaroroonan niya saka ako lumuhod sa gilid niya upang mailapit ko pa ang katawan ko sa kaniya. Muli kong tiningnan ang hawak kong basag na bote na may dugo niya saka ko ito muling itinarak sa leeg niya. Sumirit ang dugo sa isa pang pagkakataon. Wala na akong iba pang natitirang gawin kundi ang umalis sa kwartong ito bago pa may dumating at may makakita sa akin.

Binuksan ko ang bintana ng kwaryo kung saan siya tumutuloy saka ako lumabas rito. Napatingin ako sa ibaba kung saan makikita ang mga taong naglalakad pati na ang mga sasakyan. Napakaliit ng mga ito kung titingnan mula sa kinaroroonan ko. Napakataas din ng kinalalagyan ko kaya imposible na mabuhay pa ako kung tatalon ako pababa rito para tumakas sa kalat na ginawa ko sa loob ng kwarto.

Inilabas ko ng tuluyan ang buo kong katawan mula sa bintana at tumayo ako sa plantbox na singlapad lang ng paa ko. Mula sa kwarto kung saan ako nanggaling ay pinilit kong talunin ang plantbox ng iba pang kwarto hanggang sa marating ko ang pinakagilid na kwarto at maitawid ko ang sarili ko sa katabibg gusali ng hotel upang makatakas.

"Hindi na masama para sa una mong trabaho. Maganda ang naisip mong armas pero masyadong makalat." Hindi ko gustong pakinggan pero wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang mga salita ng nakatatanda kong kapatid na si Kuya Ruther. "Linisin mo na yang sarili mo. May sampung minuto na lang tayo para sa susunod na trabaho." Dagdag pa nito sa mga sinabi niya.

"Sige... Kuya." Wala na akong ibang nagawa kundi sunang-ayon sa kaniya.

Sa totoo lang, ayaw ko sa trabahong ito ng pamilya namin. Hindi ko maintindihan kubg bakit kailangan kong kunin ang buhay ng iba para ipagpatuloy ang buhay ng pamilya namin. Pero wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa utos nila Lolo at Papa. Hindi ako gaya ni Kuya Ruther na maaring umalis kung gugustuhin niya. Naiiba ako sa iba ko pang mga kapatid, hindi gaya nila, wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa mga utos. Kung hindi lang dahil sa sumpa ng pamilya namin ay magiging kagaya rin sana ako ng ibang mga kaedad ko na walang iintindihin kundi ang pag-aaral.

"Hoy!" Isang malakas na batok ang naramdaman ko kasunod ng pagsigaw na iyon. "H'wag kang tumulala riyan. Alam kong tapos na yung trabaho na para sa'yo pero yung para sa akin kailangan pa nating habulin. Bilisan mo." Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod kay Kuya Ruther habang pababa kami sa emergency stairs ng building kung nasaan kami ngayon.

"Kuya, akala ko ba alas-otso pa lalabas yung target mo?" Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at natanong ko iyon sa kaniya. "May isang oras pa tayo. Bakit ka nagmamadali?"

"H'wag mo akong igaya sa'yo. Gusto ko malinis ang trabaho ko. Kulang na ang isang oras sa akin dahil wala ka namang maitutulong kundi bantayan yung computer ko." Mahina nitong sabi habang mabilis na naglalakad.

Dama ko ang pagkainis ni Kuya Ruther sa pagsasalita niya pero winalang-bahala ko na lang iyon. Totoo ang sinabi niya. Hindi gaya ko na umaasa sa sumpa para matapos ang gawain, mas kailangan niyang planuhing mabuti ang bawat trabahong ibibigay sa kaniya nina Lolo at Papa.

TresWhere stories live. Discover now