You can clearly see the Spanish blood through his features. His piercing brown eyes were always expressive. Parang ang daming itinatagong emosyon kaya mahirap hulaan at basahin.

Imagine if he always smiles? Kung katulad sila ng ugali ni Ken? Baka sa kanya ako nagkagusto. O siya ang naging crush ko at sa kanya ako naging interesado. Guwapo naman siya kahit snob pero ayoko talaga sa mga ganoong lalake eh. Mas attracted ako sa mga pleasing ang personality.

Kaya kung kasali mang tama ang mga haka-hakang itinambak ko sa likod ng aking utak, ngayon pa lang ay gusto ko na agad kumawala.

Bago pumasok sa gym ay dumeritso kami sa convenience store lalo na't uhaw na uhaw na talaga ako. Sabay kaming pumasok ni Hiro. Malamig ang loob. Dumeritso na agad kami sa mga drinks.

"This." Turo ko sa Mogu Mogu na strawberry.

Hiro arched his brow.

"You like strawberry flavored drinks?" tanong niya habang binubuksan ang pinto at kumuha ng isang Mogu Mogu.

Drinks? Naalala ko agad ang araw na tiningnan niya ang Dutch Mill na hawak ko. Kinakabisado niya ang hilig ko. What the hell? Hindi ko na talaga mailulusot sa ibang rason kaya siya ganito! Halatang halata talaga!

Ibinigay niya sa akin saka siya kumuha ng dalawang mineral water.

"Oo," sabi ko at tinanggap iyon.

Hindi ko na siya hinintay pa. Tumalikod agad ako at iniwan siya roon. Nauna ako sa counter kaso nang maalalang wala akong pera ay umatras agad ang kaluluwa ko. The cashier even looked at me like I'm familiar.

'Ito 'yung walang pera na bumili ng condom.' Ganoon siguro ang iniisip niya.

Umatras ako ng literal nang mabangga rin sa matigas na dibdib ng kung sino. Tumingala ako at nakita si Hiro sa aking likod.

"Ilagay mo na nang mabayaran ko," utos niya habang dinudukot na ang pera sa isang kamay.

Umabante ako ng kaonti at inilapag ang aking Mogu Mogu. Inilapag din ni Hiro ang dalawang mineral water habang nanatili siya sa aking likuran.

Napunta ang tingin ko sa gilid. Nakita ko na naman ang condoms. Kahit hindi ko tingalain at sundan ang tingin ni Hiro, sigurado akong doon din siya nakatingin.

May inabot ako roon. Bago pa may mahawakan ay hinawakan na agad ni Hiro ang aking pulso.

Tiningala ko siya. Nahulog ang tingin niya sa akin at magkasalubong pa ang kilay.

"I don't want another version of your condoms. May stock pa tayo."

Natigilan ang cashier at napatingin sa amin ni Hiro. Kung makapagsalita siya parang ginamit naming dalawa, ah! Pinagpapasa-pasahan lang din naman.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya at itinuro ang goldilocks polvoron.

"I want that. It's my favorite," I hissed.

Kumalma ang ekspresyon ni Hiro at lumuwag ang pagkakahawak sa aking pulso. Kumuha agad ako ng isa at mabilis na inilagay sa counter.

Nakakainis ah? Muli kong nilingon ang gilid at may inabot ulit doon. Tiningala ko si Hiro at kitang kita ko kung paano niya sinusundan ang aking kamay. Dumampot ulit ako ng polvoron saka inilagay sa counter.

Huminga si Hiro habang nakapamaywang. Nailing siya at hinaplos ang buhok. Noong nagtangka ulit akong may abutin doon ay sumingit na ang kanyang kamay at sinakop ng malaki niyang palad ang mga polvoron na nakadisplay saka niya inilagay niya sa counter. Hindi siya nakontento at binalikan pa ang iilang natira at inilagay lahat sa counter na nasa twenty ata lahat.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon