Chapter 17: Escort Vs Boyfriend Duties

2K 86 9
                                    

Bianca's POV

Pinili ko na lang na sarilihin kung ano ang nararamdaman ko. Dahil baka kapag kinuwento ko pa ito kay Eunice, walang humpay na sesermunan niya na naman ako. Tutal kasalanan ko naman talaga eh

Tsk tsk.. Gaano ba katangkad si pagsisisi at laging nasa huli?

Maayos ang pakikitungo ko kay Miguel. Minsan ay ramdam kong napapansin niya na wala ako sa mood o malamig ang pakikitungo ko sakanya. Pero dinadahilan ko na masakit ang ulo ko, o di kaya ay wala lang talaga ako sa mood. Mabuti naman at sinasakyan niya.

Ayos ko na ang sarili ko. Sina Mama at Papa naman ay nauna na dahil may salo salo pa silang mga ka business partners.

Napatingin ako sa salamin, ready to go na ko. Sundo na lang talaga ang inaantay ko.

Tinignan ko ang phone ko at hindi parin tumatawag o nagtetext si Miguel. Badtrip, porket iee-escort niya lang ang birthday girl kinalimutan na ko. Tss, edi dun na siya!

Hinayaan ko na siya at hindi ko na lang pinakelaman ang phone ko. Nilagay ko na ito sa pouch bag ko. Ilang sandali lang ay dumating na ang sundo ko.

"Yaay Bff! Ganda natin ah. Talagang tinalbugan mo ang may birthday ngayon ah. Very good Bff!"

Napailing ako sakanya at tumawa na lang ako sakanya. Siya din kaya maganda, nag effort magpaganda para kay Miggy. Sus kunware pa!

"Pero sabagay, mas maganda ka naman talaga kaysa kay Sabrina!"

Tumawa pa siya ng malakas. Hinayaan ko na lang siya. Sira talaga. Sana lang ay ayus-ayusin niya ang ugali niya mamaya dahil ang birthday girl lang naman ang pupuntahan namin.

"Tara na Bff, nag aantay na si Miggy my Loves sa labas"

Ngiting ngiti na naman ang lola niyo. Sumunod na lang ako sakanya at nagpaalam ako kay Manang na aalis na 'ko. Pinagbuksan ako ng pinto ni Miggy sa back-seat. At si Eunice naman ay sa passenger-seat.

Mabilis na nagdrive si Miggy dahil baka malate kami. Hindi ko rin maiwasan tumingin sa phone ko. Badtrip bakit hindi man lang siya mag-text sakin? Nakakaramdam na naman ako ng inis! Ito na naman po tayo..

Hays, buhay nga naman parang life.

"Hulaan ko, hindi pa nagte-text sayo si Dude 'no"

May halong pang aasar ang pag tanong sakin ni Miggy habang nagdra-drive siya. Nginitian ko na lang siya at hindi ko na lang pinansin.

"Bakit ka ba naman kasi pumayag eh. Oh ayan, pinagsisisihan mo na ba Bff?"

Gusto kong pag untugin tong mag couple na to sa harap ko, kung pwede lang sana. Kaso may point naman kasi sila. Bakit nga ba ako pumayag? Tss, nilamon talaga ako ng pagkaselos ko kainis! Wala eh..

Ilang sandali ay nandito na kami sa isang private garden kung sa'n gaganapin ang birthday ni Sabrina. Maraming mga schoolmates ko ang nandito, ano pa ba ang aasahan ko di'ba? Eh si Sabrina to. Walang sinuman ang makakatalo sa pagtataray niya. And besides, madami talaga siyang kaibigan. Madami siyang circle of friends kaya masasabi kong mabait naman talaga si Sabrina.

Tumunog yung phone ko kaya naman agad ko itong sinagot at tinignan kung sino ang tumatawag.. Kainis akala ko siya na.

"Hello Mama?"

["Hello hija, where are you?"]

"Andito na po ako sa party Mama. I'm with my friends"

Napahinto ang usapan nila Eunice at Miggy dahil napunta sa'kin ang atensyon nila.

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Where stories live. Discover now