Chapter 5: Childhood memories

2.6K 103 0
                                    

Miguel's POV

It's Monday! Hindi ko alam kung bakit excited akong pumasok. Samantalang dati, ayokong ayoko sa Monday dahil sinisira niya lang ang mood ko. Epekto pa'rin ba 'to nung nangyare kay Bianca? Hindi ko talaga alam bakit iba yung impact niya sa'kin. Mabait at maganda naman siya katulad ng ibang babae. Pero bakit parang naiiba siya sa lahat?

Bago ako pumasok ng classroom, dumaan muna ako sa faculty para kausapin si Miss P. Magpapalipat kasi ako ng upuan. Ayoko sa pwesto ko. Puro girls sa paligid ko. Katabi ko pa yung muse nila na si Sabrina. Ewan ko ba ba't naiilang ako sakanya. Lagi niya akong tinititigan na para bang nagpapaganda siya sa'kin. Weird!

Pagpasok ko sa room, wala pa yung iba. Miski sila Miggy wala pa. Maaga kasi talaga akong pumasok. Sinisipag ako masyado eh.

"Chad, palit naman tayo ng upuan oh. Alam kong crush mo si Sabrina. Kaya alam kong papayag ka"

Niloloko ko lang talaga siya. Kahit naman hindi siya pumayag lagot naman siya kay miss P. Pero alam kong papayag 'to. Halata naman sakanya na crush niya si Sabrina eh.

"Talaga? Nako mabuti na lang. Matagal ko ng pinangarap na makatabi siya. Salamat pre ah"

Oh see? I told yah bro!

Umupo na ako dun sa pwesto ko. Maya maya, dumating na din si Sabrina. Nagtaka siya bakit dito na ako nakaupo ngayon at bakit si Chad ang nasa gilid niya.

"What are you doing? Bakit nandyan ka sa pwesto ni Miguel?"

Naiiritang tanong ni Sabrina kay Chad. Kawawa naman 'tong si Chad.

"uhm.. Kasi ano.. Nakipagpalit siya sa'kin ng upuan"

Nauutal pang magsalita si Chad. Talaga bang crush na crush niya si Sabrina? Eh ano naman ang nagustuhan niya dito?

"What?"

Hindi siya makapaniwala na nagpalipat nga ako. Hindi naman sa ayaw ko sakanya. Pero, parang ganun na nga

"From now on, si Chad na yung nasa side mo. Okay ba 'yon Sabrina?"

Kalma lang akong nagsalita sakanya. Ayokong sabayan ang pagkainit ng ulo niya. Mabuti naman at kumalma na din siya. Pumunta na lang siya sa upuan niya at nilapag ang kanyang bag. Hindi ko naman inaasahan na babalik siya sa harapan ko at talagang umupo pa dito sa lamesa ko. Tama ba talagang upuan ang mesa? Ayos siya ah. Mabuti na lang hindi ako basta bastang naaakit sa mga ganyang galawan.

"Hi Miguel!"

"Uhm.. hello?"

Hindi pa talaga ako sure kung kakausapin ko ba talaga siya. Ang lapit niya kasi sa'kin.

"You didn't remember me, huh?"

"Huh? Ah! You're my classmate, right?"

Mas weird pa talaga siya sa pinaka weird na nakilala ko. Ba't pa nga ba ako nakikipag usap dito?

"Yes. And except for that, I'm your childhood friend"

Teka. Seryoso ba siya? Mukang hindi naman siya nagbibiro pero hindi ko maalalang naging kaibigan ko siya. Imposible naman na nagkakilala na kami sa States. Eh simula noong nasa States ako, si Miggy na ang kaibigan ko. At lalong imposible naman na siya yung kaibigan ko nung bata pa kami noong nandito pa lang kami sa Pilipinas. Wait, sino nga ba yung kaibigan ko noon?

"Sorry huh. But I don't think so"

Tinawanan niya lang ako. Hindi naman ako lolo para hindi ko maalala childhood memories ko. Alam kong may naging kaibigan ako maliban kay Miggy. Hindi ko lang talaga maalala kung sino.

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin