Chapter 7 & 8: Sixteenth Birthday

2.2K 86 7
                                    

Bianca's POV

Wala nang urungan to. Ito na ang araw na makikilala ko na siya. Dapat maging handa na ako para makilala siya mamaya. Pero pa'no? Pa'no ko tatanggapin ang isang tao na never ko pang nakilala? Pa'no ko masasabi sakanya ang totoo na may iba na akong gusto, at hindi siya? Pa'no kung nagkamali sila Papa na pumili ng fiancé ko. Paano kung masama siyang tao? Paano kung nagkukunwari lang siyang mabait? Paano kung saktan lang niya ako? Waaah what to do?!

"Banky!! Bff!! Yuhooo, gising na birthday girl!"

Agad naman mambulabog nito ni Eunice. Siya lang naman excited dyan eh

"Bff, iwan mo muna ako please. Inaantok pa 'ko"

"Ah ganun ah, ayaw mong tumayo ah"

Naramdaman ko na lang na nakililiti na 'ko dahil sa ginagawa ni Eunice. Ang kulit talaga nitong bestfriend ko!

"Wait.. Haha... ito na ito na.. Tatayo na nga eh. Stop na haha!"

Mabuti naman tinigil na niya nung pagkikiliti niya. Ang lakas talaga ng kiliti ko sa kilikili kainis! At dahil nga bestfriend ko siya, alam niya kung sa'n yung kiliti ko

Sunod na lang ako sakanya para hindi na niya ulit ako makiliti. Actually, mamayang gabi pa naman celebration eh. Ewan ko ba dito kay Eunice bakit maaga ako ginising. Inistorbo lang ang tulog ko!

"Maligo ka na Bff, may pupuntahan tayo"

"Sa'n naman tayo pupunta?"

"Sabi sa'kin ni tita samahan daw kita magpa manicure and pedicure. Tapos gora na tayo sa ime-meet up natin?"

Nasisiraan na ba 'to si Eunice huh? First day ng pagiging sixteen ko mukhang binubugaw na agad ako, kaloka!

"Hoy Bff ah. Hindi ako interesado sa mga balak mong yan! Kung sino yang gusto mong ipakilala sa'kin, ayaw! BIG NO! May ibang nag mamay-ari na ng puso ko, alam mo yan"

"Duh! Bff, ang drama mo. Basta bilisan mo nang kumilos dyan. For sure naman ikatutuwa mo kung sino yung ime-meet up natin mamaya eh"

Sus kung si Super Hero yun, tama ikatutuwa ko nga 'yon.

Tapos na kong mag asikaso. Si Eunice pa nga ang pumili ng susuotin ko eh. Parang sira lang! Sino ba kasi ime-meet up namin? Kailangan ko pa talagang mag ayos ah

"Good morning tita, alis na po kami ni Bff. Ako na pong bahala sa princess niyo,"

"Teka, aalis na agad tayo? Nagugutom kaya ako. Hello hindi pa 'ko nagbe breakfast"

"Hello ka din Bff, baka malate tayo sa appointment natin"

Nilakihan niya ako ng mata. Tsk, excited talaga siya do'n sa ime-meet namin ah.

"Sige na dear. Mauna na kayo. Ibaon niyo na lang 'tong sandwich. Eunice, ikaw na bahala sakanya hmm. 'Wag kayong male-late mamaya"

"Yes tita, promise ko po yan. Tara na Bff!"

Hinila niya na 'ko. Ano ba naman 'to, isusubo ko pa nga lang yung bacon bigla niya na 'kong hinila. Pag ako talaga hindi natuwa sa ipapakilala niya sa'kin lagot sa'kin to, swear

Pumunta na kami sa parlor na sinasabi ni Eunice. Suki yata dito kaya kilala na siya.

Habang tinotorture yung paa ko, kumakain naman ako ng sandwich na pinabaon sa'min ni Mama. Grabe gutom na gutom yata ako ngayon.

"Bff, you want?"

...

Hindi ba niya ako narinig? O hindi niya lang ako pinapansin?

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Where stories live. Discover now