Chapter 6: Early Celebration

3K 99 17
                                    

Bianca's POV

One week na lang. One week na lang makikilala ko na siya. One week na lang malalaman ko na kung sino ang fiancé ko. One week na lang ang meron ako para umasa pa kay Super Hero. At pagkatapos ng one week na ito. Magbabago na lahat. Dahil may fiancé na ako. May husband na ako for the future. Masakit parin sa'kin tanggapin na hindi siya ang makakatuluyan ko. Pero gusto ko parin siya makilala. Kahit sa loob ng one week, makita ko man saglit si Super Hero.

Asan ka na ba kasi Super Hero? Kinalimutan mo na ba talaga ako?

"Hinding hindi kita makakalimutan"

Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko bigla si Miguel. Bigla ba naman kasing sumusulpot ito. At talagang sumakto pa siya sa iniisip ko. Ano bang naisip niya at nandito siya sa Library.

"Jusko, Miguel andito ka pala. Anong ginagawa mo dito?"

"Ah sensya na hindi man lang ako nag hi sayo. Busy ka kasi sa pagbabasa kaya naman hindi na kita inistorbo pa"

"Ah.. okay! Pero sino yung kinakausap mo? Sino yung hindi mo makakalimutan?"

Napakamot siya sa ulo niya dahil sa tanong ko. Bakit ba kasi niya bigla biglang sinabi 'yon. Umasa tuloy ako na si Super Hero 'yon. Hays

"Uhm.. ano.. Nagrereview kasi ako. Oo! Sinasabi ko lang sa sarili ko na hinding hindi ko 'to malilimutan. May exam tayo mamaya sa History di'ba?"

Ay oo nga pala. May exam kami sa History. Mababa pa naman magbigay ng grades dun si Mister G. Mabuti na lang hindi pa ako bumabagsak 'don. Ewan ko nga ba ba't name-maintain ko yung matataas na grades eh. Tamad naman ako magreview kapag may exam. Maliban na lang kung trip ko talaga.

"Ikaw Banky, nagreview ka na ba?"

"Ako? Hindi uso sa'kin yan. Stock knowledge lang sapat na!"

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Eh bakit totoo naman eh. Karamihan sa mga exam namin, umaasa ako sa stock knowledge ko. Mabuti na lang talaga madaming naka stock dito sa utak ko.

"Kung gano'n, tara cafeteria na tayo! Nagugutom na ako eh. Ikaw ba?"

Sabagay, nagugutom na din ako. Tsaka kailangan kong kumain para sa exam mamaya. Tinatamad pa naman ako mag review ngayon.

"Tara! Sabay na tayo"

Sabay na namin binalik yung libro na hiniram namin. At pagkatapos ay lumabas na kami para pumunta sa cafeteria. Nauna na do'n sina Eunice kaya malamang, kinikilig na yun ngayon kasi solo niya yung crush niya.

"Banky, ayun sila oh!"

Nakita ko sila. Ayun nga. Solo nila ang isa't isa. Ngayon ko lang narealize na bagay pala talaga sila. Ang cute nila tignan.

"Lumapit ka na do'n. Ako na lang oorder para sa'yo"

"Okay! Ikaw na bahala sa order ko. Salamat!"

Sinunod ko ang gusto niya. Lumapit na nga ako kila Eunice. At pansin kong nakatingin sa'kin yung karamihan. Hindi ko alam kung ako ba talaga or sadyang may famous na nasa likod ko. Pero wala eh. Ako talaga. Ako talaga tinitignan nila.

Pag upo ko, iba na ngiti sa'kin ni Eunice. Minsan may pagka creepy na din tong Bff ko eh. Hindi ko siya maintindihan. Meron ba 'akong hindi nalalaman?

"Ba't ganyan ang tingin mo sa'kin, Bff?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Pagkatapos ay niyakap niya ako.

"Advance happy birthday Bff!!! Yaaay konting kembot na lang, sweet sixteen ka naaa!!"

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Where stories live. Discover now