Chapter 13: Myti

2.1K 92 11
                                    

Bianca's POV

Katulad kahapon, maaga na naman ulit ako nagising. Kahit labag sa kalooban ko hindi ko parin matiis, si Miguel yun eh.

Nahirapan akong makatulog agad kagabi. Binasa ko pa kasi yung mga comments na tinagged sakin na relationship status ni Miguel sa Facebook. Ni wala man lang pasabi kagabi, ayan tuloy abot hanggang langit na naman tong ngiti ko kagabi.

Ilang minuto pa lang ay umabot na kaagad ng daan daan ang likes. Binasa ko ang napakaraming comments na 99% percent ay puro babae. Karamihan ay halos nainggit, umiyak, nagalit, may nabasa pa nga ako tatalon na lang daw siya sa building. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pinagco-comment nila o malungkot kasi taken na yung gustong gusto nila. Mabuti na lang wala pa kong natatanggap na death threat ano po?

Nakaligo at bihis na ako. Pinapatuyo ko na lang tong buhok gamit ang blower. Tinatamad na sana ako magblower kaso susunduin nga pala niya ako.

Ilang sandali ay nakarinig ako ng katok.

"Mam, gising kana po?"

Isang boses babae na parang bata ang narinig ko. May bago bang katulong? Hindi yata ako nainform ni Manang. Baka siguro isa sa anak ng mga maids

"Opo pasok kayo"

Hindi ko na binuksan ang pinto dahil inaayos ko na yung buhok ko. Kaya naman hinayaan ko na siyang pumasok sa kwarto ko. Bumukas ng kaunti ang pinto. Nahiya pa sigurong pumasok

"Come here baby, kanino ka bang anak?"

Humarap na ko dun sa pintuan at inaantay ko siyang pumasok.

"Good morning miss Cute!"

Aba! Ang bolera ng batang ito. Pareho sila ni Mig-- Teka nga. Mukhang si Miguel to ah. Inipit pa talaga niya yung boses niya para hindi ko siya makilala ah

"Miguel, sabi ko 6:30 hindi 6:00"

Tumalikod na ulit ako at humarap sa salamin. Nakita ko na pumasok na din siya at tama nga ako si Miguel nga ito

"Kainis! Pano mo naman nalaman na ako to?"

Umupo agad siya sa kama ko habang tinitignan niya ko sa harap ng salamin.

"Hello? Ikaw lang tumatawag sakin ng Cute"

"Ako lang ba? Di kaya! Cute ka naman talaga eh, hindi lang sa paningin ko kundi sa paningin din ng ibang tao"

"Ows talaga?"

Tinigil ko muna ang pag aayos sa sarili ko at humarap sakanya

"Sino namang iba ang tinutukoy mo?"

"Hindi mo alam? Ako, tapos si Miguel. Pati yung si Miguel. Isa din itong si Miguel, gwapo pa nun. Pero mas gwapo pa dun si Miguel"

Natawa ako dahil sa biro niya. Puro lang naman kasi siya yung mga binanggit niya. Kalokohan na naman niya pinapairal niya.

"Ewan ko sayo Miguel, ang aga aga ang corny mo na naman"

Binaling ko na lang ulit ang tuon ko sa salamin at inayos ang sarili ko. Nakita kong lumapit siya sakin sa repleksyon ng salamin.

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Where stories live. Discover now