Chapter 10: Still your Superhero

2.5K 74 9
                                    

Bianca's POV

Pagkababa ko ng sasakyan, hindi ko aaakalaing lahat sila nakatingin sakin. Alam mo yung tipong naglalakad ako sa red carpet at lahat ng mga tao ay sinusundan ako ng tingin. Teka ano kayang meron? May event ba nang hindi ko nalalaman?

"Ayan yung Fiancè ni Miguel di'ba?"

"Oo bes! Siya nga 'yon"

"Nakakainis ang ganda pala ni ate girl. Wala na kong pag asa kay bebe Miguel ko niyan"

Rinig ko yung mga babaeng kulang na lang ay matunaw na ako dahil sa mga titig nila. Teka lang huh, wag niyo saking sabihin na kumalat agad sa buong school yung tungkol sa'min ni Miguel?

"Good morning Bff!"

Hinila ko kaagad si Bff palapit sa'kin. Miski kasi ang tinis ng boses niya ay agaw pansin

"Bff anong nangyayare? Bakit lahat yata sila nakatingin sa'kin?"

Bulong ko sakanya

"Bff, ano ba? Di ka ba nainform? Si Miguel lang naman ang Fiancè mo! Kaya wag ka ng magtaka kung madaming naiinggit sa'yo"

Hinila niya na ko at sabay na kaming pumuntang room. So totoo nga, ang bilis naman yata kumalat ng balita?

Alam ko naman na kilala si Miguel. Pamangkin lang naman siya ng pinaka Head Director dito sa school. Pero yung mga babaeng patay na patay sakanya. Bakit parang ngayon ko lang yun nalaman? Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil madaming nagkakagusto sa Fiancè ko o baka matakot dahil kahit anong oras ay baka anong gawin nila sakin. Shems ano ba tong iniisip ko?

"Come on Bff, kailangan mo ng masanay. Isa kana ding kilala dito sa school. Kaya yung mga tumitingin sa'yo kailangan mong idedma"

"Bff naman, ayoko ng ganto. Ayokong pinagtitinginan ako. Tignan mo sila oh. Karamihan sakanila ang sasama ng tingin sakin. Kulang na lang kainin nila ako ng buhay eh"

"Bff, don't worry. Hanggang tingin lang sila. Subukan ka nilang awayin, si Miguel makakaharap nila"

Nakarating na kami sa room at obviously, tumigil ang ingay dahil sa pagdating ko. Parang gusto kong sabihin na "wag niyo kong pansinin ituloy niyo na yang daldalan niyo" Sobrang awkward na kaya! Di ko na to kaya ah.

"So Bianca, kamusta naman ang instant famous life mo?"

Isa pa tong dumagdag na to. Walang ginawa kundi awayin ako. Hindi ko parin talaga alam kung bakit ako ang trip nito.

"Sabrina ayoko ng gulo okay?"

"Ayaw mo ng gulo? Eh ano tong pinasok mo? Gulo to di'ba? Sa lahat pa ng pwedeng maging Fiancè mo, si Miguel pa talaga. Seriously, sinabi mo ba sa parents mo na si Miguel ang gusto mo?"

"Hoy Babaitang pakielamera! Tigil-tigilan mo ang Bff ko ah. Ikaw napaka insecure mo talaga kaya hanggang ngayon inaaway mo parin siya"

Gumitna na samin si Eunice kaya naman pinigilan ko na siya. Alam ko pa naman bunganga nito ni Eunice. Hindi to umuurong sa laban eh

"Are you kidding me? Ako maiinsecure sakanya?"

Tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Sabrina

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum