Chapter 1: New Classmates

4.9K 147 5
                                    

Bianca's POV

"Good Morning Bff!"

Masayang bati sakin ni Eunice. Ang bestfriend forever ko. Actually natural na sakanya yung pagiging jolly. Pero parang may iba ngayon eh. Kararating lang niya, at nasa room na kami.

"Good Morning Bff,"

bati ko din sakanya.

"mukang masigla ka ah. Anong meron aber?"

Tanong ko sakanya. Alam kong may something eh.

"Eeeh.. Ano kasi.. Si Miggy!"

"Si Miggy, yung medyo chubby?"

She just nodded.

"He's so cute diba?"

Kulang na lang maging hugis heart yung mata niya dahil sa kinikilos niya. Namumula na kasi pisngi niya dahil sa kinikilig siya.

"Ewan ko? Lahat naman kasi ng boys dito, cute para sa paningin mo eh"

Yeah! Si Eunice kase yung tipo na babae na kinikilig sa lahat ng mga boys. Hindi siya flirt pero sakin lang niya pinapakita yun haha joke!
Basta hindi siya Flirt yun na yun.

"Hindi no. Grabe ka, basta iba 'to Bff. Feeling ko siya na yung True love ko"

Aba naman.. May True love pa siyang nalalaman ah! Big word na ata niya yun. Lols

"True love daw. Don't me Bff!"

Ayoko talagang maniwala. Di makatotohanan eh. Kilalang kilala ko na to si Bff no!

"Oo nga! Handsome, check! Gentleman, check! Kind and smart, check na check!"

Halos ginaya pa niya yung commercial na Palmolive. Check na check!

"At pa'no mo naman nasabi yan aber?"

"Eh kasi ganto yun. Kanina dun sa gymnasium, binangga ako nung lalaki na hindi man lang ako tinulungang tumayo. Then, dumating si Miggy tapos lumapit siya sa'kin tapos tinulungan niya 'ko tumayo. Yaaay mas gwapo pa siya sa malapitan Bff!!"

Marindi-rindi na 'ko dahil sa boses niya. Ganyan talaga siya kiligin eh. Pero parang mas lumevel up pa.

"So you mean, na crush at first sight ka?"

"Anong crush at first sight? Sa'n mo nalaman yan? Diba love at first sight yun?"

Mas kapani paniwala pa kasi ang Crush at first sight kaysa dyan sa Love at first sight na yan. Sus, parang hindi naman kasi totoo eh.

"Wala lang, gusto ko lang"

"Ito! Grabe ka talaga. 'Di ba pwedeng support support na lang dyan?"

Umiling lang ako at binuksan ko yung libro. May hinahanap kase akong lesson bago pa 'to dumating si Eunice. Sakto namang dumating na si Miss P, yung advicer at first subject namin. Lahat ay nagsi upuan na at nanahimik.

"Good morning Miss P"

After namin bumati. Pinaupo na agad kami ni Miss.

"I want to announce yout new classmates coming from section 9"

New classmates? Sana girls. Para madali ko silang makasundo. Pero lahat ng mga classmates ko ay nagtaka dahil sa inanounce ni Miss.

"But Miss P, nasa second to the last section na po 'yon"

"From section 9 to section 1? Paano nangyare 'yon?"

"Nasa policy po ng Campus ang bawal magpalipat ng section di'ba? Bakit sila pwede?"

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Where stories live. Discover now