Chapter 11: Inlove?

2.3K 90 8
                                    

Bianca's POV

Hindi ko alam kung sino ang sumapi sakin bakit maaga ako nagising. Naisipan ko kasing maaga pumasok para naman hindi na ulit ako center of attraction pagpasok ko.

Kahapon pareho kaming hindi nakapasok ni Miguel. Pagkatapos namin mag usap sa Park ay nilibre niya ko ng ice cream sa Ice cream Parlor na malapit sa Park. Pagkatapos ay inihatid niya na agad ako sa Bahay. Mabuti na lang ay wala sina Mama at Papa kaya iwas sermon.

Double purpose din kasi ang pagpasok ko ngayon ng maaga. Nagcutting ako kaya patay ako nito. Kaya tanggap ko nang sa Detention ang bagsak ko nito.

"Mam, gising na po ba kayo?"

Ilang katok ang narinig ko at umalingawngaw ang boses ni Manang sa kwarto ko. Nasa walking closet kasi ako at kakatapos ko lang maligo. Bakit naman kaya ako tinatanong nito, hindi ko naman gawain na magpagising sakanya kapag may pasok ako.

"Gising na po ako Manang"

Binuksan ko ang pinto para harapin siya.

"Bakit po anong problema?"

"May bisita kasi kayo sa baba Mam. Yung Fiancè niyo po ata yun"

Huh? Anong ginagawa dito ni Miguel?

Bumaba na lang kaagad ako at tama nga si Manang. Nag aantay siya sakin sa Living room.

Nang makita niya ako ay sinalubong niya agad ako ng ngiti. Pakiramdam ko kahit hindi pa ko kumakain ay busog na agad ako.

"Good morning Banky!"

"Good morning, ang aga mo naman yata"

Tumabi ako sakanya dun habang pinupunas punasan ko pa ang basang buhok gamit ang towel ko.

"Eh sabi mo kasi maaga ka papasok kaya sasabayan kita"

"Ah ganun ba? Bakit made-Detention ka din ba? Eh pamangkin ka naman ni Head Director eh for sure palalampasin nila yung pagc-cutting mo"

Iba talaga kapag may kapit ka sa school eh no. Medyo unfair kainis

"Sino bang nagsabi na made-Detention ka?"

Tumawa pa ang loko. Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah. Deretcho sa Detention ang mga estudyante na pasaway o may nagawang kasalanan

"Hello? Nag cutting kaya ako. Lahat ng classmates natin at for sure lahat ng school mates natin alam na pumasok ako kasi lahat sila nakatingin sakin. Edi alam nga nilang nag cutting ako"

Napa-pout na lang tuloy ako dahil sa nagawa ko. For the first time in my life nag cutting ako. Takot kaya akong may marecord sa Guidance. Lalo na pag nagka Detention ako. Hindi naman ako geek or nerd pero ayoko lang na nagkakarecord ako ng bad habits sa school.

"Wag kana sumimangot dyan, ang cute mo lalo eh. Inasikaso ko na yan kaya wala ka na dapat ipag alala"

Inakbayan niya ako kaya naman napalingon ako sakanya. Sobrang lapit na naman ng mukha niya sakin. Kinakabahan na naman tuloy ako. Pansin ko lately pag nakakasama ko to, halos sumayaw na ng boom boom tong puso ko. Daig pa yata yung kaba ko kapag nanonood ako ng mga Horror movies eh

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon