Chapter 2: Banky

3.8K 124 1
                                    

Bianca's POV

Nauna na ko sa Cafeteria at hindi ko na inintay pa si Eunice. Apat na subjects din kami hindi nagpansinan.Ganun katagal tiniis ko si Eunice. Masama parin ang loob ko dahil sa mga sinabi niya kanina. Kaasar naman kase eh, pinakelamanan na naman ang Lovelife ko. Pareho lang sila ni Papa eh!

Naka order na ko at nakahanap na din ako ng vacant. Kakain na sana ako ng may umistorbo sakin.

"Hey Bff! Andito ka na pala. Hindi mo man lang ako inantay"

Hindi ko siya pinansin at itinuloy ko na lang ang pag kain ko.

"Nagtatampo ka parin ba sa'kin? Sorry na Bff! Pansinin mo na ko. Hindi mo naman ako matitiis di'ba?"

Tss. Kung hindi ko lang to nag iisang bestfriend hindi ko talaga 'to papansinin eh. Tama naman talaga siya, hindi ko naman talaga siya natitiis eh

"Oo na sige na. Basta ayoko na ulit maulit yun ah. Alam mo naman kasi yung dahilan kung bakit hindi pa ako nagb-boyfriend eh"

"Kasi nga dahil sa childhood sweetheart mo. Si Super Hero parin di'ba?"

Alam ni Eunice ang lahat. Syempre bestfriend ko siya, ultimo maliit na bagay nak kwento ko na sakanya. Ayoko naman kase mag secret kami sa isa't isa. Para sa'n pa ang pagkakaibigan namin kung hindi naman kami honest sa isa't isa.

"Okay, naiintindihan kita. Hindi na 'ko makikipag debatihan sa'yo. I raised my white flag. Basta Bff, ako nagsasabi sayo ah. Imposible na talagang balikan ka pa ng Super Hero na yan eh"

Ayan na naman siya eh.

"Masyado kang advance. Bakit ikaw ba nagsusulat ng buhay ko?"

"Hindi naman. Pero kasi. Nevermind. Nagugutom na pala ako. Teka Bff, o-order lang ako ah"

I just raised my hand to sign my response. Kumain na lang ulit ako habang iniintay ko si Eunice. Then someone disturbed me. Again!

"Hi,"

Hindi parin ako lumilingon sakanila. Dalawang guy ang nasa harapan ko. Hindi naman ako naa- atract sa ibang guys. Kase nga may iniintay ako.

"Uhm, gusto lang sana namin makipag---"

Inunahan ko na agad sila. Alam ko na yan'g mga hokage moves nila eh. Laos na yan!

"May vacant pa naman. Bakit kailangan niyo pang maki-share sa'kin?"

Sabi ko ng hindi ako lumilingon. Tinutusok ko lang ng fork yung spaghetti ko. Istorbo naman kase tong mga to. Kung magc-chixx sila, 'wag ako. Wala akong panahon sakanila.

"Come on dude, 'wag na lang dito. Ang sungit niya eh, mahihirapan ako dito"

Rinig kong bulong nung isang guy sa kaibigan niya. Ako masungit? Aba hindi kaya! Okay sige, masungit na 'ko. Pero hindi ko naman talaga sila kilala para maging mabait agad ako.

Umalis na sila palayo. Hays, ba't nakakaramdam ako ng guilty? K fine, papayag na nga ako

"Hey wait!"

Sabay silang lumingong dalawa. Look familiar, sila yung new classmates namin. Aba naman, sina Miguel at Miggy pala 'to.

"What's problem, miss?"

Sabi nung isa. At kung hindi ako nagkakamali, si Miguel ito. Yung pamangkin ng Director ng TEIA.

"Naisip ko lang naman na, paupuin kayo. Yeah,pumapayag na 'kong maki share kayo dito"

Hindi ko naman akalain na Sobrang sasaya si Miguel sa pag payag ko. Bakit ganun ka big deal sakanya yun? OA naman niya.

"Talaga? Salamat! Tara dude"

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora