Kabanata 21

602 19 1
                                    

KABANATA 21

Minsan iniisip ko kung bakit sa dami ng mga bagay na maaring magbago sa buhay ko.. Bakit iyong bagay pang hindi ko inaasahan, at sa pagkakataong kahit kaylan man ay hindi sumagi sa aking isipan.

Tulad ni Markus na masyadong paladesisyon. Masyado niya akong sinusurpresa sa iba't ibang bagay. Na maski ako ay hindi ko na magamayan at masundan manlang.

Para siyang puzzle na sa unang tagpo ay buo pa, at hindi magulo. 'Yung tipong sa unang tingin ko pa lang ay alam kong hindi ako mahihirapan dahil madali siyang pakisamahan.

Pero sa pagtagal ng panahon, at oras ay tila nagkandaletse-letse na 'yung kabuuan niya. Nagulo siya bigla, at naging mahirap ayusin.

Na pati akong hindi naman dapat kasama sa gulo niya ay tuluyan na ngang nadamay kaya hindi na ako nagtataka pa nang maging bangag ako pagkagising ko sa kama ni Zarleus kinabukasan.

Magulo ang buhok ko na tila ba nakipagsabunutan. Bagsak ang balikat ko na tila ba pagod na pagod sa kung saan. Ramdam na ramdam ko rin kung gaano kalaki ang eyebags ko ngayon dahil sa pagpupuyat kagabi.

Hindi ako makatulog ng maayos. Masyadong naging palaisipan sa akin ang biglang pagbabago ni Markus.

Dahil bukod sa ramdam kong wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin romantically ay nakakapagtakang 'daglian rin itong desisyon niya.

Na para bang plinano niya bigla ang lahat, at may binabalak siyang kung ano.

O baka naman manhid lang ako at in denial dahil 'di ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyayare sa amin kaya naghahanap ako ng mga bagay na maaring magpabago sa namumuo rito sa isipan ko.

Malungkot akong napabuntong hininga. I can't just lose someone again lalo na't parte na ng buhay ko si Markus.

"Still not okay babe?" Napatingin ako kay Zarleus na kaharap ko ngayon rito sa counter.

Nag-aagahan kami ngayong araw kahit magtatanghali na. Late na rin kase akong bumangon habang siya ay naging abala sa computers pagkagising palang kanina. Mukhang kahit nandito siya sa underwater penthouse niya ay nagtatrabaho pa rin siya imbes na magpahinga muna.

Tumango ako, at subimangot. "Seryoso ba talaga si Markus sa sinabi niya? O may menstruation lang siya kaya siya nagkaganun kahapon?"

Sumimsim siya ng kape bago ako lingunin. At nang magtama ang mga mata naming dalawa ay kaagad nagreflect sa mga mata niya ang asul na karagatang pumapalibot sa amin.

"Hindi ko alam, at sa totoo lang wala akong pakealam Agleya." Gumalaw ang panga niya habang tinitignan ako. "Pero sa nakikita ko ngayon.. Sa kung gaano ka kaapektado sa desisyon niya ay pwede naman siguro akong mamagitan hindi ba?"

Natigilan ako dahil sa rahan ng boses niya, at sa kakaibang kaseryosohan ng mga mata niya.

Napakadaling basahin ng mga emosyong kumukubli roon, at maaliwalas gaya ng malinaw na tubig. Na para bang binibigyan niya ako ng kalayaang 'wag ng mag-isip pa nang kung ano-ano.

Dahil gaya ng payapa at kontroladong paggalaw ng mga isda sa karagatan ang pag-agos ng sitwasyon ko ngayon.

Palihim nalang akong napailing. At sa pagmamasid ko sa reaksyon niya habang kinukwento ko ang naging usapan muli namin ni Markus ay masasabi ko talaga na mukha siyang mahinahon. Kalmado siya nangyayare at hindi tulad ko.

He hold my hand that was on top of the counter. "Everything will be alright, Agleya.. Just give him space to think properly, and time to process everything."

Napabuntong hininga ako sa narinig kaya lalo niyang hinawakan ang mga kamay ko. Pinaparamdam ng bawat haplos niya sa palad ko na hindi magtatagal ang sitwasyon ngayon namin ni Markus.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now