Kabanata 13

668 23 0
                                    

Pakisagot 'yung tanong ni Agleya huh?

"Ano bang meron kapag hinawakan o pinisil ng babae ang adams apple ng mga lalaki?"

HAHAHAHAHA

KABANATA 13

Sa tapat namin ni Markus ay nakatindig ng malakas si Zarleus Del Guerre, tila hari siyang sumakop sa buong headquarters. Na maski ang Elite Team ay nagsilingunan na. At mula rito sa aking kinatatayuan ay tanaw na tanaw ko kung gaano kalamig ang ekspresyon niya.

Hinawakan ni Markus ang braso ko habang bahagya siyang nakadikit sa akin bilang suporta sa hindi inaasahang pagbukas ng pintuan.

"Ano ang ginagawa niyo?" Bakas ang matinding kaseryosohan sa boses niya kaya tila natahimik ang buong paligid.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Kami ba ni Markus na mukhang naabutan niyang magkadikit na halos ang mukha o ang ka-team niya. Pero dahil nasa akin naman ang tingin niya ay masasabi kong kami ang pinapatamaan niya.

"See? Dumating na ang mapapangasawa mo," bulong ni Markus at nagawa pang mamulsa.

Hindi ako makasagot dahil tila nabato na ako sa kung nasaan man ako ngayon kaya palihim nalamang nagtagis ng bagang ko. At sa ginawa niyang pag-aktong inosente sa harapan ng boss-este pinsan niya ay pumirmi na ang labi ko.

Tang ina talaga ang walangyang lalaking ito, nakakaputang-ina masyado.

"Again, what's the meaning of this? And what are you doing here.. miss?" Humalukipkip si Zale pagkahakbang niya at tumapat sa akin.

Napakurap-kurap ako. "H-ha?!"

"What's with your.. ha?" ginaya man niya ang tono ng boses ko sa huling salita ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya.

"Ha?! Hakdog ka boss!" ani ko nalamang at umiwas ng tingin.

Grabe kase siya makatingin sa mata ko. Para akong sinisilaban sa intensidad lalo na't tila may nagawa akong labag sa kanya na hindi ko naman alam.

"What.. ?" Parang tangang tanong na niya kaya napataas ang kilay ko at inabot sa kanya ang footlong na nakapa ko sa paper bag. "Ayan, umagahan mo.. footlong, malaki hotdog n'yan."

"What?!" Reaksyon niya lamang kaya humalukipkip na ako at muling nangapa sa paper bag. "Oh, ito.. Egg sandwich, masarap 'yan."

Nagsalubong na ang kilay niya habang hawak sa magkabilang kamay ang footlong at egg sandwich. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at ninamnam ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Ka'y aga-aga kase, pero napakaseryoso.

"Ayoko nito.." supladong sagot niya at inabot kay Apollo na nasa tabi na niya ang binigay ko.

Napairap ako. "Hotdog at itlog na 'yon, ayaw mo pa? Aba, 'wag naman maluho boss."

"Men's are not eating hotdogs and eggs, Caleigh." tila nangangaral na sabi niya, sa sobrang deretso nanaman niya mag-english ay napangiwi na ako. "So, pati na rin ikaw? Masarap naman 'yon, ah!"

"Kayong mga babae pwede pa.. I mean you loves hotdogs and egss." Balewala akong nagkibit balikat at sumangyon.

Sumulyap ako kay Markus na halos maging permanent na ang ngisi sa labi habang pinapakinggan ang usapan namin ng pinsan niya.

Tumingin ako muli kay Zale. "Yes, I highly agreed.. lalo na kapag malaki."

Nagsiubuhan bigla 'yung Elite Team sa naging dugtong ko habang ang taong nasa harapan ko ay medyo namumula na ang tainga. Ano kayang problema nila?

"S-see? I told you, mas prefer namin 'yung.." Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin kaya kinapa ko muli ang paper bag na hawak ko at inabot sa kanya ang garapon ng peanuts.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now