Kabanata 20

690 21 3
                                    

Happy 1.18k M'ciants!

Maraming salamat sa inyo, uwu!

KABANATA 20

"Ano ba 'yang sasabihin mo, at mukhang napakaseryoso mo ngayon?" naiintrigang sabi ko saka kinunotan siya ng noo.

Ngumiti naman siya at iminuwestra ang kamay na maupo ako sa bleacher which is sinunod ko naman 'agad.

Nangangati na akong malaman kung ano ba ang sasabihin niya dahil mukhang importante iyon sa kanya.

Palihim akong napabuntong hininga at bumaling muli sa kung saan siya nakaupo ngayon.

"Now, care to tell me handsome boy?" Nakataas na kilay na sabi ko at pinablangko ang ekspresyon.

He nodded naman saka sinabi na nga sa akin ang lahat ng gusto niyang sabihin. At nang marinig ko ang mga kwentong gusto niyang maipabatid sa akin ay napanganga nalamang ako.

"Teka lang handsome boy.." pagpapahinto ko sa sinasabi niya. "Anong ibig mong sabihin dyan? Na kilala mo na talaga ako kahit noon pa? And then, nung alamin mo kung sino ako nang magkita tayo dito sa Isla saka mo lang nalaman?"

"Yes. And actually, matagal ka na naming hinahanap. Magkakabata kase tayo noon nila Zarleus," aniya sa seryosong tinig kaya umuwang ang bibig ko sa pagkagulat.

Napatayo ako at nanlalaki ang matang pinakatitignan siya. "P-Paano mo naman nasabi?! I mean.. Paanong magkakabata tayo, eh hindi ko naman kayo kilala?"

"Ewan ko, pero kase masyado pa tayong mga bata noon kaya siguro nakalimutan mo na. Tapos, bigla ka nalang nawala. At nabalitaan nalang namin na bumalik na kayo sa probinsiya kung saan kayo dati nakatira." Nangunot ang noo ko, at hindi mapigilang alalahanin 'yung mga kwento ni mama.

Ang sabi niya noon ay may isang lugar kung saan sila napayapa ni papa. Pero umabot lamang iyon ng limang taon dahil kaagad silang nahanap ni Mamita.

At kung ang sinasabi ni Markus na magkakabata kami.. Dahil dito kami dati naninirahan ay malamang sa malamang—dito nga sa isla de provincia nagsimula muli nang bagong buhay sila mama't papa!

Nanghina ako kaya wala sa sariling napaupo muli ako sa bleacher. Napatingin ako kay Markus na seryoso lamang hanggang ngayon. Wala naman sa ugali niya ang pagsisinungaling kaya alam kong totoo ang sinasabi niya.

"Zale.. Markus.. Neya.. Ley.." pagbigkas ko sa apat na pangalang laging gumagambala sa panaginip ko nitong mga nakaraang linggo.

Napakurap kurap si Markus nang marinig ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin habang nakaawang ang bibig. May kung anong emosyong dumapo sa asul niyang mga mata nang magtagpo na ang paningin namin.

"N-Naalala mo na?" tanong niya pagkaraan lang ng ilang segundo. Umiling ako. "Hindi.. Pero napapanaginipan ko."

Bagaman rumehistro ang panghihinayang sa kanyang ekspresyon ay tumikhim siya at umayos sa harapan ko.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. "What do you mean by that, Agleya?"

"Well, normal nalang sa akin ang nanaginip tuwing natutulog. But the weird thing is.. May mga batang biglang sumasagi sa isipan ko, I think nasa-four or five years old sila. Tapos.. May mga eksena sila na puro kaharuran." hindi ko mapigilang matawa habang inaalala ang mga napanaginipan ko. "Yung Neya, gusto niya si Zarleus which is.. she called as her Zale-tot habang si Ley.."

Nagbaba ako ng tingin dahil biglang hindi ko makayanan 'yung hope na dumapo sa mga mata ni Markus. Idagdag pa ang tila pagbilis ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na paraan. At ang mas nakakatakot doon ay.. alam kong hindi lamang ito dahil sa kabang nararamdam ko mula kanina.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now