Kabanata 19

603 21 0
                                    

KABANATA 19

Napatingin ako sa elite team na may kanya-kanya nang ginagawa ngayon dito sa paradise club.

Si Shan ay nasa kabilang table at nakikipagharutan sa dalawang babae. Si Zamuel at Lucas naman ay tahimik lang sa tabi ko.

Mga mukhang may iniisip sa kung saan pero kapag tinatanong ko naman kung ano ay tumawa lang sila. Mga walangyang baliw talaga.

Habang si Mateo, Reynaldo at Apollo naman ay nasa dance floor na. May mga kasayaw na babaeng mukhang kakilala na nila, at hindi ko na kaylangan pang itanong kung sino ang mga iyon dahil halata namang ka-fling nila.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at kinuha ang drinks na inabot ni Markus sa akin pagkabalik niya. Nagtungo kase siya sa counter para papalitan 'yung drinks ko.

"Okay ka lang?" tanong niya at lumapit pa sa akin. Masyadong maingay ang club ngayon dahil sa pagkadagsa ng tao.

Nangunot ang noo ko at sumandal sa kanya. "Bakit naman hindi ah?"

"Woah.. Masyadong clingy ngayon ah? Paktay ako nito kay Zarleus!" Biglang balikwas niya sa pagkakaupo kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Aray naman!"

"Sorry.. Nag-iingat lang! Mahirap na, mukhang espiya ang dalawang kasama natin!" halakhak niya na ang tinutukoy sila Lucas.

Napunta ang atensyon nung dalawa sa amin. "Gago ka pre, 'wag mo kaming madamay-damay dyan!"

Napailing si Markus sa narinig at nakipagkwentuhan nalamang sa dalawa. Iniwan niya akong mag-isa sa kinauupuan ko. Napamaang naman ako sa ginawa niya kaya napagpasyahan kong tumayo nalamang.

Tang ina talagang lalaki ito..

"Makikipagsayawan na nga lang ako.." desisyon ko at nagtungo na sa dance floor.

Pagkarating ko roon ay sakto namang mas naging wild ang music kaya napunta ako sa kung saan-saan.

Muntik na nga akong matumba dahil ang galawgaw nung mga tao rito sa tabi ko.

Bahagya nila akong natulak sa likod kaya napaabante ako sa harapan at kung hindi lang dahil sa pag-alalay sa akin nang isang braso ay malamang sa malamang ay mabubuwal ako sa kinatatayuan ko.

"A-huh.." nakakalokong salita nang taong ito at pinaharap ako sa kanya. "Von?!"

"Yes, Agleya my sweetest?" aniya na ginagaya ang boses ni Markus.

"Crazy boy.." Ngumisi ako at isinabit ang braso sa leeg niya nang maging slow naman ang music.

Natawa siya habang pinakatitignan ako saka nilagok ang beer na hawak at ibinato sa kung saan. Tuluyan na rin niyang ipinalibot ang braso sa bewang ko, at nakipagsayawan sa akin.

"Hindi ka na gaanong naglalagi rito ah?" tanong niya at ipinaikot ako.

Umusli ang labi ko at biglang naisip si Zarleus habang umiikot sa harapan niya

Bagaman hindi ako pinagbabawalan ni Zale na gawin ang gusto ko at magpunta sa ganitong lugar ay ako na mismo ang nagdesisyon para sa sarili ko.

Weird man pero parang naging automatiko ang pagbabago kong 'yon, tila kase gusto kong disiplinahin ang sarili ko at bumagay sa taong gaya ni Zarleus Del Guerre.

Na maski nga ang kasanayan sa pagmumura ay nililimitahan ko na. Ang laging pag-inom kapag may bakanteng oras ay iniiwasan ko na. Ang bisyo kong paninigarilyo ay pinipigilan ko na. At ang laging pakikisama sa kasalungat na kasarian ay hinihinto ko na.

Palihim akong napailing nang maisip kung ano kaagad ang nangyare sa akin nitong mga nakaraang buwan.

Para kaseng naging obligasyon kong magbago at magtino, hindi lang dahil para kay Zarleus kung hindi para na rin sa sarili ko. Siguro parte na ng rason ay ang magustuhan ako ni Zarleus at walang masabi sa aking kung ano lalo na't gustong gusto ko talaga siya.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon