Kabanata 14

671 22 0
                                    

Good morning M'ciants, here's the new update. Please take note that every details of our main lead's life is connected to our twist.

Happy reading.

KABANATA 14

"Teka.. sandali lang naman!" iritadong bulyaw ko nang magpatuloy ang tunog ng pintuan.

Madali kong tinapos ang kasalukuyang ginagawa saka malalaki ang hakbang na nagtungo roon.

Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang ngumiwi. Marahas kong binuksan ang pintuan at umamba kaagad. Hinahanda na ang sariling kastiguhin ang lapastangang gumambala sa cabin ko.

"Evening.." bungad na salita ng isang boses.

Umuwang ang bibig ko sa surpresa. "B-boss?"

"Yeah?" aniya pa kaya nagtatanong ang matang tinignan ko siya.

He suddenly nodded, already obvious by my reaction. Inangat niya ang kamay niya papunta sa akin kaya sinundan ko naman iyon ng tingin, nagtataka pa rin.

Maya maya pa ay nagsalita na siya.

"Here.." Inabot niya sa akin ang isang paper bag saka seryosong namulsa sa harapan ko.

Tinignan ko iyon matapos abutin. It's my costume for the show na mangyayare mamaya. At dapat si Markus ang magdadala nito sa cabin ko dahil pinasuyo ko itong kunin sa quarter namin.

Bukod sa tinatamad kase akong bumaba ay hindi ako sanay magbihis kasama ang mga kasamahan ko sa grupo. Mas sanay akong mag-isa. Marunong din akong magmake-up kaya hindi ko na kaylangan pa nang mga make-up artist na regular sa amin para pareho ang theme art ng grupo.

"Salamat.." malumanay na sabi ko at nahiya bigla lalo na nang pasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko.

Nakasuot lang ako ng towel at pumulupot ito sa buong katawan ko. Bukod pa roon ay nakarolyo pa rin sa puting twalya ang buhok ko kaya ramdam na ramdam ko ang pagdaan ng malamig na hangin mula sa batok ko. At sa intensidad nanaman ng paninitig niya sa akin habang magkaharap kami ay bigla akong nanliit.

"Eherm.." pilit na tikhim na tugon ko at bahagyang ngumiwi nang taasan niya ako ng kilay.

Napaka-bossy talaga! Sa lagay nanaman niya kase, at ekspresyon ay parang may nagawa nanaman ako.

"Sarado ko na 'yung pinto.." maingat na salita ko kaya nakita ko ang dahan-dahang pagtango niya, gamit pa rin ang hindi ko mabasang ang ekspresyon.

Hinawakan ko na ang pahabang doorknob at kumuha ng bahagyang pwersa para isarado na ang pintuan.

Bahala na siya dyan! I silently exclaimed.

Maganda ang mood ko ngayon kaya dapat hindi 'yon masira lalo na't may performance kami mamaya. And him being that way again towards me without a words will made me uncomfortable.

After all, he's my biggest distraction! Ang lakas kaya ng apekto niya sa akin. Kapansin pansin 'yon simula nang laging magtagpo ang landas namin nitong mga nagdaang linggo.

Bagaman paminsan minsan lang ay nakukuntento na ako lalo na't napag-alaman kong busy talaga siyang tao. Ganun din naman ako kaya walang problema.

Ang pagsabayin ang pag-aaral ko, at ang passion ko bilang fire dancer ay napakahirap ng bagay lalo na't may part time job pa ako.

"Do you really need to..." Bigla siyang kumibo kaya nahinto na nang tuluyan ang pagsara ko ng pintuan.

"Huh?" tanong ko saka pinagmasdan siya, talagang naguguluhan.

Mula rito sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko kung paano niya ipikit ang mga mata na tila ba nahihirapan sa kung saan. Gumalaw ang panga niya sa nakakahabag na paraan. Na tila ba nagtitimpi nalamang siya sa kung saan.

Fire Of The Burning Sands [Isla de Provincia Series] Where stories live. Discover now