"This is Jillian Chen Cojuangco, the daughter of Liam Cojuangco," magiliw na pakilala sa'kin ni Mr. Samson. Kinamayan ako ng site manager na nagpakilalang Mr. Jaime at ang contractor na si Mr. Esguerra na katabi ko na kanina pa.

Sumunod naman ang kadarating lang na matandang lalaki. Well, I'm surrounded by professional men. Natural na ata ito sa construction industry, ngunit mas nakakatuwa para sa'kin ang makita na may babae rin na nag-e-excel sa field na 'to.

"I'm Mr. Ventura, the project manager of this construction," he formally introduced. "And this is Engineer Cyron Alfante."

Sinikap kong ngumiti nang abutin ko ang kamay ni Mr. Ventura at ilipat ito sa katabi. I inwardly panicked when I realized that he didn't extend his hand, so why the hell was I initiating a hand shake?

Siguro nasanay ako dahil sunod-sunod silang kinamayan ko. I was intimidated and overwhelmed by their presence; thus my body just followed its own instincts.

Akala ko mapapahiya ako ngunit may naramdaman akong mainit na palad na dumaplis sa kamay ko. It was so quick. Isang iglap lang ay nawala rin agad kaya ibinaba ko na ang nanlalamig kong kamay habang ang mga mata ay nanatili na talaga sa gawing ibaba dahil hindi ko siya kayang tignan nang diretso.

"May spark kayo," pasimpleng bulong ni Engineer Marzan.

I didn't see that coming.

He's an approachable guy, alright, but he should not throw random silly remark at me.

I silently gave him a warning look. Subalit akala niya ata ay pinagdududahan ko ang panunuya niya.

"Trust me, I'm the Electrical Engineer," he grinned.

Patago akong umirap. Nag-angat ako ng tingin at napansin na may maliit na diskusyon ang tatlong matatanda habang si Cyron ay tahimik at masusing pinagmamasdan ang pigura ng gusali.

"May maliliit na detalye lang kaming binago, Miss Cojuangco. Ipapadala namin ang papeles para malaman ng Daddy mo," Mr. Samson informed me.

May mga papel siyang pinakita na hindi ko talaga naiintindihan kaya wala rin akong naitugon kundi ang pagtango lamang.

"Dad wants an update..." bigkas ko nang maalala ang bilin ni Daddy. "Uh... if ano nang ginagawa ngayon or any progress..."

It seems like I'm a very timid person the way I talk. Hindi naman ako ganito tuwing may business transaction at presentation ako.

"Wait... let me ask Mr. Jaime para sigurado..."

"Rebar works and concreting of columns," Cyron responded instead in a monotone voice.

Hindi siya nakatingin sa amin nang magsalita siya. Perhaps... he's listening.

"There. Nasagot na ni Engineer Alfante. Installation of rebar, Miss Cojuangco. Main rebar pa rin ba Engineer Alfante?" kumpirma niya at binalingan si Cyron.

"It's done, Sir. Currently inserting the column lateral rebar into main rebar," sagot ni Cyron habang doon pa rin ang tingin.

"I see." Mr. Samson faced me again and smiled. "We will finish the structural frame as soon as possible, Miss Cojuangco. Our project and site manager will daily oversee the construction and operation. We will update and resolve immediately if there's other problems that may arise."

"Thank you Mr. Samson. I'll tell that to Dad..." I plastered a smile. Nangapa pa ako ng sasabihin, pero wala na talaga... I just want to make a quick exit.

"Um... Mr. Samson... puwede nang umalis?" sinikap kong masabi 'yon kahit nanunuyo na ang lalamunan ko.

Hindi lang si Mr. Samson ang lumingon sa akin, kahit 'yung ibang abala sa mga hawak na papeles ay tumingin. Pakiramdam ko rin na sumulyap si Cyron.

Getting His Attention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon