"Huwag mo ngang lasunin ang isip ko. Kapatid ko si Thrizel, iyon ang sinabi sa amin ni mom. Hindi p'wedeng maglihim ang aking mga magulang. Kung ibang bata nga si Thrizel, edi sana naalala niyo kung sino talaga ang totoo niyang pamilya."

Napahinga nang malalim si Dominic. Tumitig ito sa akin, iyan na naman ang mga tingin niyang mapanuri. Ito ang nakakainis. "I went to your house last week. I saw a woman I had mistaken for Thrizel. Tinanong kita kung sino iyon, sabi mo ay si Arella. Pinsan niyo."

"Kanina si Thrizel ang pinapakialaman mo, ngayon si Arella. Ano ba talagang gusto mo, Dominic?"

"Dahil nagtataka ako!" Nagtaas siya ng boses sa akin ngunit ako lang ang makakarinig. "Thrale, kilala ko buong pagkatao mo. Bakit hindi ka makiramdam sa mga nakapaligid sa 'yo? Bakit hindi mo punahin? Halatang-halata sa 'yong nagpapakampante ka. Nakailang tanong ako sa 'yo kung si Thrizel ang babaeng 'yon. Halatang nagtataka ako pero hindi mo tinanong kung bakit. Natatanga ka na ba?"

Naiirita ako sa kaniyang pananalita pero mas pinili kong kumalma. "Oh, bakit ka nga ba nagtataka?"

"Magkaparehas sila ng personality ni Thrizel nang makausap ko siya. Plus magkamukhang magkamukha sila." Magsasalita na sana muli ako nang pigilan ako nito. "Makinig ka muna, naalala mo si Phryx Recas? Anong dahilan niya para lapitan si Thrizel?"

Kusa akong sumagot doon. "Dahil magkamukha si Thrizel at ang girlfriend niya."

"Iyon ang napansin ko. Kung pagdidikitin mo sila Arella at Thrizel, magkamukha talaga sila. Oo, sinasabi ko ritong maling babae ang nahanap mo. Girlfriend ni Phryx ang Arella'ng kinikilala mo ngayon."

"Nakita ko ang identification ni Redelyn Gauniria sa kwarto ni Thrizel. Walang peklat ang mukha n'on! Magkaiba sila ng mukha ni Arella!"

"Ganito-"

Tumayo ako. "I need to go, nawalan na ako ng gana, hinding-"

"Thral-"

"What? Dapat ba maniwala ako sa pinagsasabi mo? Dominic, nawawala ang kapatid ko. Sila Anissa at Arella nalang ang kasama ko sa bahay. Kung pag-iisipan ko pa ng iba ang pinsan ko. Ano nalang mangyayari? Dapat ba isauli ko si Arella kay Phryx? Paano kung mali ka? Walang peklat ang girlfriend ni Phryx sa pisngi. May peklat ang pinsan ko, iyon ang pagkakaiba nil—"

"Nawala ang girlfriend ni Phryx simula nang masunog ang building sa school. Paano kung nakuha niya ang peklat sa insidenteng 'yon?"

Muli akong natahimik. Natigilan. Hindi ko alam kung anong pakay ng lalaking 'to para sabihin sa akin ang ganito. Hindi, ayokong maniwala rito. Magkaibigan ba sila ni Phryx? O baka naman pumapapel na naman ang lalaking 'to? Nawawala ang kapatid ko. Gusto niya pang pag-isipan kong iba si Arella para isauli ko kay Phryx? Kapag nangyari iyon, si Anissa nalang ang kasama ko. Ayokong pakinggan ang sinasabi nito.

"That's why I came here because I'm going to ask if you've seen Thrizel. If you know where she is. Magkaibigan kayo ni Link, may hinala akong si Link ang kumuha kay Thrizel."

Huminahon ang kaniyang mukha. Napasuklay ito ng buhok at huminga nang malalaim. Napatitig siya sa akin bago sumagot. "Alam kong nawawala ang kapatid mo pero hindi ko alam kung nasaan siya." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaling ang paningin sa iba. Ang hirap paniwalaan ang sinasabi nito.

Yumuko ako para magkapantay ang aming mukha. Nakipagtitigan din siya sa akin. Walang gustong kumurap. "Alam mo lahat ang nangyayari kay Thrizel kaya imposibleng hindi mo alam."

Napangisi siya at napailing-iling. "Limitado ang aking kaalaman."

"Pero kapag kay Thrizel, alam mo lahat ang nangyayari sa kaniya so don't pretending na wala kang alam."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now