Chapter 25

16.9K 567 37
                                    

CASTIEL roamed his eyes around. Maingay pero hindi masakit sa tainga. Siguro ay nakasanayan na niya dahil sa mga kaibigan niya. A lot of kids were playing outside, kasama na ang mga pamangkin ni Devi. Their house is two storey and it has a minimal design, hindi pa siya nakakapasok sa loob pero sa labas palang kitang kita na pinag-isipan ang interior design.

They're all in all 5 families in one roof.

"I like the design of your house, it's very detailed." He whispered.

Gusto niyang tumulong kanina na maghapag pero pinigilan siya ng mga ito, hindi gaanong maiinit sa labas kaya dito nalang daw sila mag la-lunch, nahihiya pa siya na patuluyin silang dalawa ni Devi sa loob.

"Ilang beses ko din inulit ulit 'yan, mabuti nalang at kahit papaano flixeble si July, may alam sa trabaho ng mga engineer. He helped to measure it." Paliwanag ni Devi sa kanya.

He nod his head and saw someone peeking through the gate.

"Who's that?" Tanong niya at pasimpleng itinuro ang may edad na lalaking nakasilip sa may gate. His skin was tanned and he looks like someone who used illegal drugs, ayaw man niyang maging judgemental. Pero ganoon na din 'yon.

Suminghap si Devi at agad na tinawag ang isang Tito niya. Nagsilabasan din ang iilang pinsan niya na dumayo dahil uuwi si Devi at kinukumusta din ang lola.

"Oh, Tito? Akala ko ba pinaalis niyo na?" Tanong ng isang pinsan ni Devi sa Tito nila. Nakataas ang kilay nito habang hawak hawak ang bagong silang na sanggol.

He doesn't have any idea what the hell was happening that's why he stayed silent, beside it was a family problem, ang tanging ginawa lang niya ay ang hawakan ang kamay ni Devi para kahit papaano ay kumalma ito. Mabilis ang tahip ng paghinga nito at matalim ang tingin sa lalaking nakangisi sa may gate.

He was holding a damn cigarette not minding if there's a child who'll reach the smoke. Umarko ang kilay ni Castiel.

"Bakit kayo ganyan makatingin? Dito din naman ako nakatira ah? Tanong niyo pa sa lola niyo." Barumbadong sabi nito.

Devi's eyes were sharp. Unti unting umawang ang mga labi niya, so, this what she meant before? Ibang ugali ang meron siya kapag kaharap ang pamilya niya. Yeah, his family was chaotic.

"Kapal natin Tito ah? Parang walang ginawa 'yung bagong asawa mo." Sarkastikong sagot ng pinsan ni Devi. "Liam, ayan dapat ang pinagastos mo noong na hospital si Lola!"

"Hoy, sa ating lahat 'yan ang mapera!" Maangas na saad nito, kumunot ang noo ni Castiel sa susunod na sinabi nito. "Ang balita ko may inuwi kang lalaki dito ah? Ano? Mag-aasawa ka na? May pasabi sabi ka na pagta-tapusin mo muna pag-aaral ng kapatid mo e maaga ka rin palang lalandi!"

Hindi 'yon nagustuhan nu Castiel pero tumahimik siya. Nahagip ng paningin niya ang mga pinsan, nanay at Tita ni Devi, humihingi ng pasensya ang mga tingin sa kanya. He smiled, hope that will assured them that he's fine. Although, he's not.

Devi crossed her arms against her breast and looked at her uncle with proud.

"Oh tapos? Ano ngayon kung mag-aasawa na ako? Kaya ko pa rin naman ipag-aral ang mga kapatid ko. Maganda naman ang trabaho ko." Matapang na sagot ni Devi rito.

Ngumisi ang Tito nito kay Devi. "Ang yabang akala mo naman million ang kinikita."

"At least hindi ako pabigat gaya mo." Bulong ni Devi na halos sila sila lang ang nakakarinig. Napabaling si Castiel sa mga pinsan ni Devi, pigil ang sarili na matawa.

"Gago talaga 'tong pinsan mo." Natatawang bulong nung asawa ng isang tito niya at tinuturo si Devi.

Castiel can't help but to smirk, he likes seeing this part of her. They continue to argue through words, hanggang sa may dumating na babae at napatayo si Devi, napansin niya na naging mas alarma ang mga kamag-anak ni Devi.

LCS 10: Castiel Gonzales (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora