Chapter 23

17.4K 497 6
                                    

NAGMAMADALING UMALIS si Devi sa opisina nila nang hjndi nagpapaalam sa mga kasama pati na din sa mga boss niya, her mind was blank when she read the message of her sister. She brushed her hair using her own fingers and prayed silently.

"Manong! Sa Carson Hospital po." Agad na sabi niya sa driver nang makasakay siya sa loob ng taxi.

Tinakbo ang lola niya sa hospital dahil sa kagaguhan ng Tito niya. She swear to God that whatever happens to her grandmother, her Tito will pay dearly. Devi didn't bother to asked her sister what happened.

Nanlalamig ang mga kamay niya. She only brought her phone and her self. Good thing, may nakaipit na limang daan sa likod ng cellphone niya, kung hindi wala sana siyang maipangbabayad sa taxi na sinakyan niya.

She ran into Caleb pero hindi niya ito nagawang pansinin pabalik.

"Nasaan ang emergency room niyo?" She asked the nurse.

Agad naman nitong ibinigay sa kanya ang direction papunta sa E.R. Devi didn't hesitate to run, wala na siyang pakialam kung ano ang mga bawal sa hospital. Her breathing hitched when she saw her mother sitting on the floor, holding her head habang ang Tita naman niya ay nag-aalalang nakatingin sa mama niya.

"Ma!" Kuha niya sa atensyon nito. "Napaano si Lola? Bakit tinakbo niyo rito? May sakit ba? Ano?" Nagpa-panic na tanong niya sa mama niya pati na rin sa Tita niya.

Hindi nakatakas sa paningin ni Devi ang pagtalim ng tingin nang Tita niya at pati na rin ang pagkuyom ng kamao nito. Tumayo ang mama niya at agad na kumapit sa braso niya.

"May bagong asawa ang Tito mo," panimula nito at naningkit ang mga mata ni Devi, "sa bahay sila pinatuloy ni Lola mo. 'Yong kwarto mo pinagamit muna sa mga anak non dahil wala ka naman daw."

"Ta, hindi 'yan ang tinatanong ko. Wala akong pakialam kung may bago siyang asawa o ano. Si Lola ang inaalala ko dito." Kawalang galang ang ginawa niya pero ayon naman ang totoo.

Devi couldn't care less about his whereabouts.

"Ayon na nga, 'yung bagong asawa nung magaling mong Tito sinagot sagot lola mo habang wala kami. Nakita lang ng mga kapatid mo na naitulak niya ito sa hagdan at hinayaan lang doon. Hindi man lang tumulong ang magaling kong kapatid! Tangina talaga noon walang dulot!"

Kumuyom ang kamao niya. She already lost her respect for him when she heard him saying things about her grandmother, mas lalo pang nadagdagan ang pagkamuhi niya para sa Tito niya.

"Nasa bahay pa ba sila?" She calmly asked.

"Wala na, pinalayas ni Tito Ray mo." Sagot ng mama niya. "Ang problema lang talaga ay ang pambayad natin sa hospital. Mahal dito nak." Dagdag ng mama niya.

"Nakuha ko na ang sahod ko, Ma. Ang kaso naiwan ko sa opisina. Babalik ako." Aniya at marahan na bumuntong hininga.

Pinakawalan siya ng mama niya at hinayaan siyang makaalis. Habang naglalakad siya nag-umpisa na siyang mag compute sa utak niya kung paano na may matitira para sa budget ng mama at dalawang kapatid niya, she wanted to cry because it's not enough!

"Looks like I'm going to use my savings again," bulong niya sa sarili habang naglalakad.

"Or not?" Someone spoke beside her. Agad siyang lumingon at nakita ang isang kaibigan ni Castiel. He's walking beside her, matching her pace. "Hi, it's Caleb. May kamag-anak ka ba dito na na-admit?" He asked cooly.

Marahan siyang tumango rito bilang sagot.

"Parang pasan mo ang mundo." He said again. "If it's about the bills you don't have to worry. My family own this hospital, I can cover the bills for you and I'll ask my brother to check whoever that family member of yours admitted here."

LCS 10: Castiel Gonzales (Completed)Where stories live. Discover now