Chapter 3

21.6K 583 33
                                    

DAY AFTER day, Castiel will knock on her unit door or sometimes rang her doorbell to wake her up, palagi itong nag-aalmusal sa unit niya at palagi din silang sabay pumasok. Minsan naman ay ihahatid lang siya ni Castiel sa harap ng building ng company at aalis na to do his own things. Like visiting sites and doing errands for their bosses, just like what he says.

"Napalapit ka na kay Engineer Gonzales?" Tanong sa kanya ni Imara. Devi glance at her before placing her bag to her own table. May kanya kanya silang lamesa pero sa kanya na yata ang pinaka makalat, they also have a space where they can work together.

"Good morning din sayo ano?" Natatawang ani niya. Umingos lang sa kanya si Imara, habang inabutan naman siya ni July ng kape na pinabili niya kanina nang lumabas ito.

"Wala yung Head Engineer, tahimik tuloy sa kabila." Puna naman ni Xyrish.

Lumapit si Nico dito at pabirong tinampal ang braso ni Xyrish. "Damay mo pa yung head nila e! Wala lang 'yung crush mong engineer, balita ko sa kanya napunta yung isang project sa Baguio."

"Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan aber?" Nakataas ang kilay na tanong ni Imara kay Nico.

"Doon sa kaibigan ko. Nagtanong ako para hindi na malungkot si Xyrish, libre mo ako mamaya Xy!"

Umupo na siya sa sariling upuan at binuksan ang laptop niya, katabi ay ang ipad na iniingat ingatan din niya. She need to start a layout design for Walter's Hotel Lobby. Ipapa renovate daw kasi ito. Devi was surprised when Xyria, their boss, talk to her personally for this project. She spent her night researching and looking for Walter's Hotel pictures, particularly the lobby.

Maganda naman, pero hindi 'yon pasok sa taste niya. At hindi din daw pasok sa taste ng asawa ng may-ari. Maganda ang design ng Hotel, maliban nalang talaga sa lobby. It was old an old style, she loves the ambiance but there's something off. May kulang. She grab her sketch pad first, mas gusto niya na sa papel muna bago digital. She's going to play with colors after.

Hindi na niya pinansin ang mga kasama sa loob, she didn't even bother to wave goodbye when one of them is going out. That was their routine. Kapag may aalis sa kanila o pinapatawag sila ng boss for their output. They will always say 'Good luck!'.

Dahil kapag hindi nagustuhan ng kliyente ang design, paniguradong uulit na naman sila.

Swerte lang nila dahil hindi pa naman nila 'yon nararanasan. The client sometimes asked them to change a particular design o dikaya naman ay nag sa-suggest, but that's all. They're always open for suggestions and criticism. Tsaka lang sila aapila kapag hindi talaga pwede ang gusto ng mga ito.

"Devi, lunch na! Hindi ka pa ba kakain?" Imara asked. She just shake her head and didn't even bother to glance.

"Tatapusin ko muna 'to. Baba nalang ako kapag tapos na." She quickly answer.

Lumabas na ang mga kasama niya, they have a cafeteria and the food was good and free. The owner pamper their employees too much. No wonder, walang mga empleyado ang umaalis at nagrereklamo, instead, madami ang mga gustong pumasok. Swertihan nalang talaga kung makukuha.

She heard the door open and someone stood up in front of her table.

"I'm not hungry. Mamaya na ako kakain." She uttered while sketching. She's not satisfied kaya paulit ulit niya din 'yon na binubura.

"No matter how busy you are, always remember to eat." She stilled when she heard his voice. Ang akala ni Devi ay maghapon itong wala ngayon. "Here, I brought you a food." May inilapag itong paper bag sa harapan niya.

Her eyes widened when she saw where the food came from. It was from a very fine restaurant, na kahit kailan ay hindi siya magbabalak na pasukin.

"What? Kumain ka na. Mamaya na 'yang ginagawa mo, babantayan kita. Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo 'yan nauubos." He said like he was a strict father figure. Naiiling na binitawan ni Devi ang sketch pad niya sa lamesa at itanabi ng maayos ang laptop at ipad. "Looks familiar. Oh, Walter's Hotel?" Castiel asked and grab her pad.

LCS 10: Castiel Gonzales (Completed)Where stories live. Discover now