Chapter 40

7 0 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterForty

Chapter Forty 

Alex and I decided to eat samgyup dahil may three hours pa naman kaming break. While waiting for the staff to prepare our food ay nag simula na kaming mag kumustahan. Almost seven years din kaming hindi nagkita at nagkausap.


"So, how are you? How's life in Canada?" I asked him. Noong unang lipat kasi nila doon ay panay ang send niya ng pictures at pag vivideo call namin kasama sila Leah, Loisa at Mara. Aside kasi sa kanilang tatlo ay isa din si Clyde sa pinakamatalik na kaibigan ko noong high school.


"Malamig. Hindi ka pwede doon." Natatawang sagot niya. Pabiro ko naman siyang pinalo ng tong dahil sa pang-aasar niya.


"Wala rin naman akong balak tumira don, duh." I answered back and playfully rolled my eyes at him.


"Weh, kahit sabi mo susunod ka sa akin kasi miss mo na ako." He teased once again.


"People change." I plainly said and looked at the meats that the staff is serving us. Naglalaway ako dahil ang tagal na rin noong kain ko ng samgyup. Pero bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala na naman si Rusty.


I heaved a sigh again.


"Okay ka lang Alex?" Clyde asked, napansin niya ata ang pagbuntong hininga ko. I quickly plastered a smile and shake my head.


"Yeah, may naalala lang ako." Sagot ko saka nagsimula ng maglagay ng pork and beef sa grill.


"Ano 'yun?" Tanong niya muli. "Or rather, sino?" He added. I looked at him for a couple of seconds. Contemplating if I will tell him what is happening, or just dodge his question.


"Come on, Alex! Alam mo namang pwede mong sabihin sa akin lahat. No judgments." He insisted.


"Stop calling me Alex! Nalilito ako, feeling ko kinakausap mo sarili mo!" Saad ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagluluto. Tumawa naman siya at kinuha sa akin ang tong saka siya ang nagpatuloy sa pagluluto.


"Sorry naman. O siya, Alexandria, tell me now what's bothering you. Plus, I'm really curious kung ano yung pinag-uusapan niyo kanina nung lalaki doon sa tapat ng classroom." Clyde said as he puts meat on my plate.


Wala na akong choice kundi sabihin sa kaniya kung ano ba ang nangyayari. Alam kong hindi niya rin talaga ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya kung ano ang bumabagabag sa akin. He's so persistent on making me at ease by just letting my thoughts out and flow.


"Well, that guy you saw earlier, he's your seatmate. Hindi ko alam kung napansin mo ba siya kasi mukhang ako lang ang nakita mo kanina sa classroom." I sarcastically said nang maalala ko na naman yung ginawa niyang eksena kanina.


"Ohh... you're right. I didn't notice him earlier." He agreed on my speculation. Inirapan ko naman siya dahil naalala ko na naman yung bulungan ng mga kaklase namin kanina. "Plus, you're the center of my attention the moment I saw you." He added.

That One Place (TALA SERYE#1)Where stories live. Discover now