Chapter 10

17 2 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterTen

Chapter Ten

I groaned when I heard my phone ringing nonstop. Kinapa-kapa ko ang kama ko para hanapin iyon nang nakapikit pa rin. Antok na antok pa ako at ayoko pang idilat ang mga mata ko dahil ramdam ko pa rin ang bigat ng mga talukap ko na para bang nakiki-usap na hayaan ko muna silang nakasarado.


Nang makapa ko ang cellphone ko ay pinilit kong idilat ang isa kong mata para makita kung sino ba ang tumatawag at umistorbo sa tulog ko. When I took a peek on Hannahrie's name on my screen I immediately answered the call and closed my eyes again while listening to her.


"Hello," I said as I answered the call. My voice is still hoarse because I am half awake and half asleep.


[Girl, bakit hindi ka nagrereply sa GC natin?] Narinig kong tanong ni Hannahrie sa kabilang linya. Kahit nakapikit ay napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. 


Ano bang meron sa GC? Sa pagkakatanda ko kanina bago ako matulog ay wala namang kahit anong tanong sa mga GC na meron kami.


"Huh? Ano bang meron girl? I'm still sleeping nung tumawag ka." Sagot ko sa kaniya. Unti-unti ng nagigising ang diwa ko dahil sa usapan namin.


[Mare, nagtanong ako sa GC if free ba kayo today. Magpapasama sana ako sa mall.] Sagot ni Hannahrie sa tanong ko.


I rolled over my bed and hugged my pillow. Tumama ang sikat ng araw sa mukha ko na nanggagaling sa may bintana ng kwarto ko. I looked at the clock on my bedside table at nakitang 10 a.m. na pala. Akala ko sobrang aga pa, tanghaling tapat na pala.


[Free ka ba Dhanna? Si Luhan tsaka si Miguel nagreply na sasama siya. Si Rusty naman hindi daw dahil may ganap daw sa kanila.] Sabi muli ni Hannahrie ng hindi ako sumagot sa unan niyang sinabi.


Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa kama ko at sumandal sa headboard ng kama para antayin na pumasok muli sa katawang lupa ko yung kaluluwa kong mukhang nag gala. Sobrang puyat talaga ako kaya hindi ko pa maramdaman yung sigla sa katawan ko.


"Si Janssen?" I asked absentmindedly. I heard Hannahrie scoffed at doon lang ako natauhan sa naging tanong ko. Though I asked it referring to Janssen as our friend.


[Malay ko doon, di naman nag seen sa GC.] Sagot niya lang sa akin.


"Ay okay. Sige sama ako. What time ba tsaka saan? Kakagising ko lang talaga eh. I'll prepare na rin ASAP." Sabi ko na lang kay Hannahrie.


{MOA sis, keri lang kahit malate ka ng konti. Ang usapan naman namin nila Luhan at Miguel around 12 p.m.] Hannahrie on the other line said.


"Okay. I'll be there. See you! Ingat sa biyahe mamaya." Sabi ko na lang and we bade goodbye to each other saka binaba ang tawag.


Nang matapos ang usapan namin ni Hannahrie ay inayos ko na rin agad ang kama ko kahit gusto ko pang matulog. Today is Monday at wala kaming pasok. I slept late last night, siguro mga 3:30 a.m. na 'yon dahil tinapos ko ang Season 3 ng Sex Education at tinapos ko rin ang Squid Game, kaya antok na antok pa rin ako.

That One Place (TALA SERYE#1)Where stories live. Discover now