Chapter 18

10 2 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterEighteen

Chapter Eighteen

The next day we woke up at around 6 a.m., lahat kami ay tamad na tamad pa ang kilos dahil pagod pa kami sa lahat ng ginawa namin kahapon sa Camp John Hay. Late na rin kami nakauwi at nakatulog kagabi.


"Ano una nating pupuntahan after breakfast?" Tanong ko sa kanila. Miguel, Janssen and Rusty Jay are already dressed, habang kami naman nila Luhan at Hannahrie ay nag-aayos na.


Today is Monday at ang nakasulat sa itinerary namin na pupuntahan naming mga lugar ngayon ay ang Strawberry Farm sa La Trinidad, The Mansion and the Taoist Architecture of Bell Church.


"Strawberry Farm na lang muna, para hindi masyadong mainit pa." Sagot naman ni Hannahrie.


"Okay, then after lunch The Mansion tapos last na natin yung Taoist Architecture." Saad ko naman. After namin mag-ayos ay agad din kaming lumabas ng hotel room. I still bring my DSLR, nalipat ko na rin sa laptop kagabi yung mga pictures namin kaya fresh start ulit yung dalawang SD card ko.


Kuya Ron was already waiting for us on the lobby kaya naman binilisan na namin ang lakad namin at agad na dumiretso sa restaurant na kinainan rin namin kahapon. After breakfast we already headed to the Strawberry Farm.


***


"Ang daming nakuhang strawberry ni Dhanna, kaloka. May balak ka bang mag tinda niyan pagbalik natin ng Manila?" Saad ni Janssen ng makita ang dalawang basket na bitbit ni Rusty Jay at isang basket naman sa akin.


Hind na kasi namitas si Rusty Jay ng sa kaniya at tinulungan na lang ako. Tumawag kasi ako kanina kila mimi dahil nag-update ako kung nasaan kami ngayon, at nung nalaman nila na namimitas kami ng strawberry ay agad na nagrequest sila na damihan ko daw ang pagpitas.


"Para din kasi 'to kila Ate Mirch at Ate Dianne, alam niyo namang may dalawang buntis sa bahay namin, ayon bigla daw nag crave sa strawberry nung nakita nila kanina na nasa farm tayo." Sagot ko kay Janssen. Kuya Ron already bought boxes para ilipat doon ang strawberries para hindi hassle sa biyahe pabalik.


On Tuesday, we went to Easter Weaving Room and watched how those indigenous clothes were made. Nagsuot din kami nung sinusuot ng mga taga-roon. We also took lots of pictures pati na rin yung mga tao doon. They were all so accommodating and fun to talked too, lalo na yung mga bata na sobrang proud sa kultura nila.


We also visit Tam-Awan Village and Ben Cab Museum on the same day. Wednesday came, that's the time where we decided to visit already Burnham Park. Isa ito sa mga hindi dapat kalimutang bisitahin dito sa Baguio at talaga namang excited na execited na ang mga kasama ko, pwera kay Hannahrie na natatakot sumakay sa bangka dahil baka daw mahulog siya at malunod dahil hindi siya marunong lumangoy.


Pero dahil malakas ang convincing powers namin lalo na si Janssen ay napasakay na rin namin 'to. Nakisama rin halos ang panahon sa amin dahil hindi masyadong mataas ang sikat ng araw kaya naman inabot kami ng dalawang oras na paikot-ikot lang sa pamamangka. After boating on Burnham Park, we ate our lunch and then proceed to visit the Wright Park and tried Horseback Riding.

That One Place (TALA SERYE#1)Where stories live. Discover now