Chapter 24

13 2 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterTwentyFour

Chapter Twenty Four

By 8:30 p.m. ay natapos na kaming kumain ni Rusty Jay. He volunteered to wash the dishes dahil ako naman na daw ang nagluto. I didn't argue with him at hinayaan na lang siya. Hindi rin naman ako mananalo dito.


I walked to the living room and opened the TV again, binuksan ko lang yung YouTube at plinay yung playlist ng mga kanta ng LANY. After that I get my phone and opened my messenger. I sent a message to our group chat asking them kung papunta na ba sila dito.


Hannahrie Lucy:

OTW na kami, bumili lang alak hehe.


Dhanna Alexandria:

Okay, magkakasama na kayo?


Miguel Jude:

*Miguel Jude sent a photo.*


Hannahrie Lucy:

See you, papunta na kami!

Dhanna Alexandria:

Okay, ingat kayo! Drive safely Migs!


After hitting sent ay in-open ko na lang ulit yung Facebook at nakitang nag send ng friend request yung mommy at daddy ni Rusty. I immediately accepted their request kahit pa nga kinakabahan ako. I looked at Tita Rian's timeline at puro picture lang iyon ng triplets na kapatid ni Rusty. Ang cu-cute ng mga ito, halatang gwapo yung dalawang lalaki at maganda naman yung isa.


Bigla akong na-excite na makita sila dahil dito sa kapatid ni Rusty Jay. Gusto ko silang yakapin at kargahin. They are all chubby that makes them so adorable. Napahinto lang ako sa pagtitingin ng mga picture sa timeline ng mommy ni Rusty ng marinig kong may nag doorbell.


Nagtataka akong tumayo after kong i-exit yung Facebook at nilapag yung phone ko sa center table. I walked towards the door para silipin kung sino yung nag doorbell, only to find out na sila Hannahrie iyon.


"Dhanna buksan mo gate!" Sigaw ni Hannahrie.


"Bakit wala kang kamay?" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Hindi ako umalis sa pwesto ko kaya naman natawa ako ng itaas nito ang gitnang daliri niya bago binuksan yung gate.


"Yabang mo na porket pinopost ka na sa FB at IG." Saad nito nang makapasok na sila. I step backward saka pumasok sa loob ng bahay.


Agad naman silang sumunod sa akin at nilapag yung dala-dala nilang mga gamit sa sahig. Janssen and Migs put the two botte of Jack's Daniel sa center table.


"Parang others na talaga tayo 'no?" Gatong naman ni Luhan sa sinabi ni Hannahrie at tumango naman ito.


"Pag inggit, pikit mga mare." Pang-aasar ko rin sa kanila. Agad namang hinila ng pabiro ni Hannahrie ang buhok ko.

That One Place (TALA SERYE#1)Where stories live. Discover now