Kung nakakabasa nga siya ng tingin, magpapakita siya sa classroom ko ngayong araw. Wala ba siyang initiative sa nagdaang mga araw at hindi naisip na puntahan ako mismo para kunin ang five hundred niya?

Isa pa, baka iniisip niyang hahanapin ko siya? Na ako dapat ang lumapit total ako ang may kailangan? That's probably the reason why he didn't show-up.

Ako na lamang mag-isa sa classroom. Nagsialisan na ang mga students habang tutok ako sa iPad at naglalaro ng online games.

Fifty fifty ang tsansa na naiisip ko na magpapakita si Hiro kaya noong may mapansin ako sa gilid ng aking mga mata na silhouette na pamilyar na lalake ay nakumpirma ko agad na siya iyon.

I glance at him once. Mabilis ko lamang tiningnan si Hiro na naglalakad palapit sa akin, nakasabit ang strap ng bag sa kaliwang balikat habang nakabulsa ang isang kamay at ang isa ay may hawak na maliit na paperbag.

Binawi ko agad ang tingin at seryosong ibinabalik sa games na nilalaro. Dumating lang si Hiro, minalas na at dumating ang maraming zombies!

And see? He can really read what's on my mind. Isang tingin lang gets agad. May superpowers talaga ang mga villains.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang paglapit niya hanggang tumigil siya sa harap ng aking desk. I groaned out of frustration when I'm running out of sun!

"Your condom," si Hiro nang ilapag ang maliit na itim na paper bag.

"Damn it! Ang bagal ng sun," irita kong sambit habang naka-tap na sa nagloloading na plant na gusto ko.

"Matagal pa ba? Nagmamadali ako," Hiro sounds pissed.

"Wait," mas irita kong sabi at matalim siyang tiningnan saglit.

Kita ko ang pag-irap niya sabay pasada ng buhok habang hinahawakan na ang strap ng kanyang bag.

Ibinalik ko ang tingin sa iPad at halos mainis dahil natatalo na ako. Isinandal niya ang pwetan sa aking desk at yumuko ng kaonti para masilip ang screen ng aking iPad.

"You don't know how to play," he commented.

"Shut up," sabi ko habang namimili na ng plant na ilalagay.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang kamay saka niya hinawi ang aking kamay na nag-ambang maglapag ng panibagong plants.

"You can't use that plant. That's useless. It can only kill one zombie per line," ani Hiro at hinayaang lapain ng maraming zombies ang mga nakahilera kong plants bilang depensa.

Ubos na iyong mga trucks kaya sigurado akong mapapasok talaga ang bahay. Plus nasa gitna na ang kumpol ng zombies!

"Matatalo na ako!" Hinawi ko rin ang kanyang kamay at gusto nalang bumili ng plant na sasakto sa available kong sun.

"Wait," ani Hiro nang hawakan ang aking pulso.

Huminga ako ng malalim. Bakit ba 'to nakikilaro sa iPad ko?

"There..." saka niya pinindot ang lumutang na sun at binili ang cherry bomb. Inilagay niya ito sa gitna nilang lahat at pinasabog.

Kita ko kung paano naging abo ang iilang mga zombies. Naiwan ang aking mga sunflower ngunit nakain din naman ang aking mga plants.

Kumalma ang aking ekspresyon nang makitang nanalo na ako sa final wave. Tumikhim ako at pinatay ang screen ng iPad saka ko iyon inilapag sa gilid kung nasaan ang paperbag.

Humalukipkip si Hiro at tiningnan ang pagkuha ko ng paperbag. Binuksan ko iyon at sinilip ang pack ng condom na binili ko.

"I actually don't need it anymore. Sa'yo na. Babayaran kita sa five hundred and take it with you," sabi ko sabay lapag ulit noon.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon