P R O L O G U E

Magsimula sa umpisa
                                    

I smiled innocently. "Uh... playing?"

Umangat agad ang kanyang kilay at naglakad patungo sa akin. Umatras ako at umiling.

Mas lumaki ang kanyang mga hakbang. Bago pa makaisip ng paraan ay mabilis na siyang nakaabot sa aking harapan at deritsong hinablot ang aking pulso palabas.

I groaned when I realized he's too strong. His eyes widened as he watched me with intensity.

"You're smoking?" aniya nang tingnan ang paketeng sigarilyong hawak ko.

Hindi pa iyon bukas at itinago ko ito sa mga tuyong dahon dito sa kakahuyan noong nakaraang linggo. Binili ko ito ng pa sekreto ngunit sa higpit ng aking mga pinsan ay hindi ko agad nasubukan. Binalikan ko lamang ulit ngayon nang maalala ko.

Irita niya iyong inagaw sa akin. I frowned at him when he tried to put it on his pocket.

"That's mine," sabay bawi ko.

"This isn't for you. And you're just fifteen!"

Turning sixteen na rin naman.

Kumurap ako at humalakhak. What? My cousin North smokes, too. Mas matanda pa nga ako ng ilang buwan, ah? What's the difference if I'm curious and I wanna try it?

"Why?" nangingiti kong tanong habang binubuksan na iyon.

Iritang kinuha iyon ni Latch sa akin ngunit ngumiti akong lalo at iniwas agad para hindi niya mabawi.

"Hindi magandang tingnan sa babae ang naninigarilyo, Franca," irita niyang bigkas nang sundan ang paketeng hawak ko.

"At sa lalake, magandang tingnan?" saka ako kumuha ng isang stick at inilagay sa aking labi.

Huminga siya ng malalim at namulsa. Kinapa ko ang suot na puting bestida para hanapin ang inipit kong lighter noong papunta rito kanina.

"Ugh... I think I lost it!" kuha ko sa sigarilyo sa aking labi at ginala ang tingin sa sahig.

Yumuko para hawiin ang mga tuyong dahon. Tahimik ang paligid sa hapong iyon at ang tanging naririnig ay ang huni ng mga ibon, pagaspas ng hangin sa mga dahong sumasayaw at ang agos ng tubig sa batis na matatagpuan sa dulo.

"Latch. Help me find my lighter. I think I drop it," utos ko habang naging abala sa paghahanap.

Hindi siya kumibo. Nakapamaywang na at madilim ang ekspresyon habang pinapanood ako.

"Isusumbong kita sa Daddy mo kung maninigarilyo ka."

Natigilan ako. Sumeryoso agad ang aking mukha. Tumayo ako ng tuwid at muling humarap sa kanya.

Kita ko ang kaonting pagdaan ng kanyang gulat nang makita ang biglaang pagbabago ng aking ekspresyon.

"Do you think I will give you a chance once you tell this to my father?" I tilted my head while looking at him intently.

Hindi siya nakapagsalita. I smiled innocently and went to him closely. Kitang kita ko kung paano niya sinusundan ang aking galaw.

Tiningnan ko siya ng maigi. Latch is wellknown in this province because he's not just good looking but he's also the son of Mr. Calvin Lealde. He's tall, snob and very handsome. His sister earned the spot of being the one of most pretty girl in this province, too. Sikat silang magkapatid dito.

Malapit siya sa mga pinsan kong lalake at malapit naman ako sa kapatid niyang babae. My cousins like that girl so much, too. At mukhang sumobra pa nga ang pagkakagusto ni North sa babaeng iyon.

"Aalis na kami bukas. Minsan lang tayo magkikita. You will miss me for sure. Ganitong sama ng loob ba ang ipapabaon mo sa akin?" I laughed softly.

Hindi agad siya nakapagsalita sa bagay na iyon. Umangat ang aking kilay.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon