You see, I'm convincing myself here kasi pakiramdam ko nawawala na si Kathlin na isang maldita at mayabang. True, ipinagmamalaki ko kung sino at ano ako.

"Okay, I'll let you kung tatakpan mo iyang lower body mo. I'm a girl and that part is a male reproductive organ. Maawa ka naman sa sagradong mga mata ko, Shin. Kaya mo bang gumawa ng mga damit? Or something basta matakpan lang iyan?"

"Master, I get what you're thinking after all I got that idea first. Don't worry I won't do nasty things since you're a just mere child."

"You—"

"I can't make clothes but I'll just cover it with my aura." nakahinga naman ako nang maluwag.

Nang matapos niyang takpan ang kaniyang lower body ay lumapit siya sa akin dahil wala akong lakas na gumalaw at masakit pa ang ulo ko. Tsk, ayaw ko ang feeling na nilalagnat dahil naaalala ko lang ang dati kong buhay. Tuwing nilalagnat kasi ako ay wala sila mommy at daddy dahil nasa trabaho sila palagi. That house is small but it's lonely but Manang Rosilda is always there for me. She takes good care of me and treated me as her real daughter.

Napaiyak ako nang maalala ang dati kong buhay. I wasted my opportunity to return to my real world kasi pinairal ko ang katangahan ko kay Goddess Dzayanara. If I know... I wouldn't suffer like this. Hinayaang ko na lang na yakapin ako ni Shin since hindi ko siya mahawakan and I need comfort. I really need it now that I have mental breakdown.

I tried to stay strong and managed to survive but look what happened to me. Wala na ako sa mansyon and I only have is Shin right now and my uncle. Hindi ko pa alam kung tatanggapin niya ako dahil anak lang naman ako ng half sister niya.

Tsk, what a miserable life.

Nang magising ako ay tumigil na ang pagbagsak ng nyebe. Sinabihan naman ako ni Shin na mag-ayos na dahil aalis na kami. Napairap naman ako kasi wala akong aayusin dahil wala akong dalang mga gamit. Sarili at suot kong damit lang ang bitbit ko.

Tinanggal ni Shin ang aura niya sa lagusan ng kweba at inilipat ito sa akin para raw hindi ako tamaan ng Winter Curse.

Habang naglalakad kami ay sinusuklay ko na lang ang mahabang kulay green kong buhok gamit ang mga daliri ko. Nagulo kasi ito sa pagtulog ko. Anyway, hanggang beywang ko ito at ang healthy niya. Madulas kasi siya at makintab na akala mo palaging naka-salon, e hindi pa naman ako naliligo.

"Master, dito na tayo lilipad." napaawang ang bibig ko at napakunot noo. Ano raw lilipad? Akala ko ba maglalakad lang kami? Tsk, naghanap pa talaga siya nang magandang pwesto para roon.

Wait... paano naman ako lilipad kung wala akong pakpak? Napatingin ako sa likod ko. 'Ay, may pakpak pa pala ako.' Bakit ngayon ko lang napansin? Tsk, hindi pala ako nagtagumpay na tanggalin ang mga ito.

Naunang lumutang sa ere si Shin na upper body niya lang ang nakikita kasi nagkulay itim na ang kaniyang lower body dahil sa kaniyang aura. Ibinuka ko naman ang mga pakpak ko saka ako bumwelo para makalipad.

Hindi ko alam kung ilang araw na kaming naglalakbay basta ang alam ko lang ay ginampanan ni Shin ang kaniyang tungkulin bilang guardian ko. Medyo hindi na ako conscious sa kaniya dahil alam kong wala siyang gagawin masama. Saka ang bata bata ko pa, noh! Baliw talaga ako mag-isip, tsk.

May mga nakalaban din kaming mga halimaw na talagang nakakatakot ang mga itsura. Thankfully, Shin managed to kill them kaso pagkatapos nang laban ay nanghihina ako. Sa akin kasi siya kumuha ng mana tapos ako naman stored mana lang ang mayroon ako kaya mabilis akong maubusan.

'Shit, I really need to train. Hindi pwedeng palaging ganito. Paano na lang kung malalakas ang mga kalaban namin? Edi matatalo kami.'

Napalingon ako kay Shin na nakatingala sa buwan. Hating gabi na kasi at nakaupo kami ngayon sa malaking sanga ng puno. Mas ligtas daw iyon para hindi kami makita ng mga halimaw.

Reincarnated as a Shameful NobleWhere stories live. Discover now