Chapter 40

7.6K 188 60
                                    

"I can't let them have him... Draco, please, gumawa ka ng paraan... kukunin nila si Harsha sa atin."

She curled herself on Draco's bed, parang lamig na lamig siya kahit na yakap siya nito nang mahigpit mula sa likod.

Ang mga luha niya ay hindi mapatid, ang mga pakiusap niyang di alam kung para kanino ay tila naging dasal na.

Malalim na ang gabi ngunit hindi man lang naging mababaw ang sakit sa kanyang puso. Lumalala lamang nang lumalala, takot siyang mag-umaga at umaga pa, kukunin na nila ang anak niya.

"I'm sorry, baby... but Harsha isn't ours," mabigat ang tono nito, sa mahabang panahon tahimik lang ito, tapos iyon lang ang sinabi.

Sana ay nakinig na lang siya dati. Kung sana ay kinapitan na niya ang pagpipilit nito na iparehistro si Harsha with the help of his connections.

Umiling siya nang umiling, basag na basag ang puso niya. Kakatuwang kanina pa siya ganito, di pa rin nauubos ang kanyang luha, di pa rin niya kayaning kumalma.

"Drac.... anak natin iyon. How could  you say that? You rock him to sleep, you put him into your chest, kiss him good night, feed him... you love him. How could you say that he isn't ours? Hindi napagbabasehan iyon sa dugo."

Humigpit ang gapos nito sa kanyang tiyan, naramdaman niya ang garalgal na hininga nito sa kanyang buhok, sunod ay ang paglubog ng mukha sa kanyang batok. He felt his nose, his warm breath over her skin, consoling her silently.

"Paise... may mga hiram lang talagang bagay. May binibigay... na binabawi rin. It is painful to me too... but we have to face it. Harsha's right place is not with us."

Sumakit ang kanyang lalamunan roon. The truth is so much for her now.

No matter how will she think of it, Harsha is hers, hindi man siya ang nangnanak rito pero siya pa rin ang naging nanay.

How can they be so cruel to take that away?

Tumulo lalo ang kanyang luha, nanikip ang dibdib.

"I want Harsha... Drac... I want our baby," she gave off a few sobs.

"Shh... we'll have a baby, hmm... Hindi lang talaga ito tamang oras para sa atin. We can always be parents to Harsha in our hearts, Paise. No one can take that away, that will always be our treasure... "

Humikbi siya lalo, hindi umiepekto ang init ng katawan ni Draco, ayaw niyang kumalma, paulit-ulit niyang nararamdaman ang halik nito sa kanyang buhok ngunit ayaw niyang tumigil.

Ayaw niya pang sumuko, baka may pag-asa pa... baka meron pa.

Parang awa niyo na.

"Shh... sleep now, baby... sleep for now."

"I can't, he will be taken away. How can I sleep?"

"Paise... I know... this is so hard for us but please understand—"

"I can't understand!" pumiglas siya. "Why was he given to me, and then will be taken away. Mahal ko iyong bata."

"Mahal ko rin siya," paintindi nito.

"Then, we'll go," hinarap niya ito, hinanap ang mata nang makaisip ng ideya. "We can go to abroad, we'll hide Harsha, Drac. We'll live there, I know papa would support us, he will support us..."

She's mindless right now, natataranta ang utak, ang nais lang ay makasama si Harsha.

Bumuntong hininga si Draco, his eyes are telling things adverse to what she wanted. She kept staring into his eyes, pleaded to him silently and got his answer silently too, napalayo siya ng kaunti rito ngunit nahabol ng kamay nito ang katawan niya.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Where stories live. Discover now