Chapter 28

7.6K 195 56
                                    

Tila nalulunod siya sa samu't saring emosyon, sa tanong kung bakit, kung anong nangyayari at sa paghahanap, pinapatay siya  sa kaba at takot.

She ran outside, she wanted to wake up from this dreadful dream, she wanted to kill Satan for always giving her nightmares.

She wanted to run to the fire, hinahanap ang kanyang kapatid at ina. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay napigilan na agad siya ni Pablo, hinawakan siya nito sa palapulsuhan.

"Bitaw, Pablo! Nasaan sina mama at Ely?"

"Sa ambulansya, they got minor wounds. Huwag kang mag-alala."

Tama na iyon para panatagin siya, wala siyang pakialam sa bahay o sa kahit anong naipundar nilang nasusunog ngayon, ang importante ay ligtas ang kanyang pamilya.

She run to the ambulance, nasa loob nga ang mga ito at ginagamot ng paramedics.

"Ma..." hindi niya napigil ang pag-iyak.

Lumingon sa kanya ang ina, she felt relieved nang makitang munting galos at sugat lang meron ito, ganoon din si Ely.

Agad siyang umakyat at inakap ang ina sunod si Ely.

Seeing them alive and well is everything, liban kay Draco ay sila lang ang meron siya. They are her back bone, ikamamatay niya kapag may mangyayaring masama rito.

"Akala ko ay napano na kayo," her voice shook, "anong nangyari ma?"

Her mother had tears too, medyo nanginginginig rin ang kalamnan.

"Nasa kusina kami ni Ely nang may sumabog sa tindahan, gumuho iyong ilang parte ng bahay, tapos nagkasunog, masyadong mabilis ang pangyayari, nahimatay si Ely, muntik na kaming ma-trap buti nalang nakapasok agad sina Pablo at mga kasama niya, tinulungan kami."

"Ate... wala na tayong bahay, sunog na ate," umiyak ang kanyang kapatid, "takot na takot kami kanina kasi akala ko, mamatay na kami."

Hinapuhap niya ang likod nito at pinatatahan, iniibsan ang takot, sana naman.

"Shh... mabibili pa natin ang mga materyal na bagay Ely ngunit hindi ang buhay natin... makakapundar tayo uli."

"E paano iyan, saan tayo titira?"

That's the question still, pwede naman silang humanap ng pansamantalang mauupahan, sunod ay maghahanap ng kagaya rin nitong low cost housing, they have enough savings. Naka-joint account ang kinikita ng kanilang tindahan, kaya alam niyang medyo malaki ang laman noon. She also had her savings, that is surely enough to make a good start. Nakapundar nga sila dating nag-umpisa sila sa wala.

She watched them put out the fire, mangiyak-ngiyak ang kanyang ina habang nakatitig sa umaapoy na bahay.

Maraming nakiusyusong kapit bahay, noong una nakikinood lang sila ngunit nag-umpisa nang mag-ingay kaya naman ay tiningnan niya kung bakit.

Kaya pala...

Draco went down his white Lambo hurriedly, hindi nga maayos ang pagkaparada nito, he's wearing a formal grey suit, an expensive watch and shoes. Tinanaw siya ng nag-aalalang mata nito,ngunit mas paniling kausapin ng una sina Manuel at Pablo.

"What happened!?" he growled, hindi nag-atubili kahit na naririnig ng lahat.

"Ang sabi ko, bantayan niyo!" pumailanlang ang galit nitong tinig, maging siya ay tila napaatras sa takot, wala na yata itong pakialam sa nakapalibot na tao.

Kita niya ang pagkwelyo nito kay Pablo, doon na siya tumakbo palapit, naririnig niya ang mga singhap ng mga tao.

"Draco..." she called softly, she held his hand gripping Pablo's collar, "walang kasalanan si Pablo rito, huminahon ka... Draco, please..."

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ