Chapter 9

11K 216 64
                                    

Bugnutin, suplado, saka mukhang lahi ng bampira... bampirang na expose nga lang sa init ng panahon, kulay kayumanggi e... nasobrahan sa init... hot na hot.

Sheyt!

Nakatayo siya sa gilid ni Damien, habang iminuwestra nito ang sofa kay Draco. Magkakilala ang dalawa.

"This is—"

"I know her," putol ni Draco nang akma sana siyang ipakilala, masama siya nitong tiningnan.

Ano na namang kasalanan ko?

Hindi na naman niya binalak na tumangging magkakilala sila a!

OA lang talaga minsan si daddey.

Para bagang ang importante ko naman para patuloy na pagalitan kapag nagpanggap na di ko siya kilala! Duh!

Her denial won't affect his reputation! Bakit ba tila gusto nitong ipangalandakang magkakilala sila?

Duh ulit!!!

Damien's eye brows shot up, medyo nagulat.

"Oh al—right... magkakilala pala kayo e."

Draco placed himself on the sofa, she slowly walked beside Damien who's now approaching his table.

Ngunit, oo na, palihim niyang tinitingnan ang gawi ng gobernador, ramdam niya rin naman kasi ang pagsunod ng mabigat mata nito sa kanya, namamaratang na naman ng kung ano.

He's on his suit. Ang yakap ng mamahaling tela sa katawan nito ay makakalaway...

Wait, huh?

She means... he looks dashing, tipong makalaglag panga pa rin kahit ilang ulit na niyang nakita. Parang ang bawat liko at kurba ng tela ay depinisyon ng perpekto, nakakakilabot, kinikilabutan siya sa nakikita.

May damit pa yan ha, ano pa kaya kung— shit!

Wuy gising Paisley!

He is sitting like a king, taking all the grandoise, legs a bit apart, arms on his thigh, his back is slightly leaning on the backrest.

Kahit na si Damien ang may-ari nitong opisina ay tila naging tao-tauhan silang dalawa.

Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakakaramdam nito o ano, marahan niyang hinapuhap ang braso... fuck it, he's a delish!

Isang opisyal na lingon, huli niya itong madilim na nakatitig sa kanya, and he just stared into her, hindi natakot kahit nahuli.

At anong ibig sabihin tinging 'yan daddey!

Nakakapanoot kasi sa balat, nakakasunog kahit sandali lang... pero masarap sa pakiramdam... ang madantayan ng mata nito.

Nilapitan niya ito nang tumalikod si Damien, may kinuha sa cabinet. She stood in front of him, saka inaktong tutusukin ang mata nito, biro lang sana pero hindi man lang ito kumurap, lalo lang yatang nainis.

Edi soweyy!

"Why are you here?" mabigat nitong tanong.

"Why are you here?" balik niya.

Halos irapan siya nito, ang suplado hindi man lang sumagot!

"May sakit ka daddey?"

Hindi ito muli sumagot kaya inirapan na niya.

"Suplado mo daddey ha... suplado ka."

"Bakit ka nandito? Opisina ito ng lalaki Paisley. You shouldn't wander around here," sermon nito sa mahina ngunit delikadong tinig, ramdam niya, nakakatakot nga, napaatras tuloy siya ng isa.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Where stories live. Discover now