Chapter 20

10.6K 212 115
                                    

Happy 7k reads! ❤️

Thank you for waiting! I had a rigid time finishing all my stuff in school, semester is about to end kaya patayan na talaga. And yes, here's an update! Happy vacation!

mev

* * * * * * * * *


"It's a wrap for today!" sigaw ng kanilang director bago bumaling sa kanya, nakaupo ito sa stool sa harap mismo ng stage. "You're amazing Paisley!" nagbigay ito ng palakpak. "I think everyone's ready for our first sail next week," ngumiti ito, tunog excited rin.

They all answered positively, ngunit sa totoo niyan, kinakabahan siya, this is her first official performance outside the school, mangyayari na sa Martes! Para siyang hihimatayin sa kakaisip.

Okay naman ang mga praktis nila recently, but imagining this whole function room filled with viewers, knowing that they'll be elite, rich people from different sectors, God!

The sudden exposure wanted to scare her to death! Di pa siya kinabahan ng ganito, wala pa ang event ha!

Paisley... tss.

"Sa resto ka pa, Paise?"

Tumingin siya kay Kam, sumabay ito sa kanya pababa sa hagdan ng stage, sina Lexi at Jordin ay nakasunod sa kanilang likod, ang iba nilang mga kasama ay naghahanda na ring umuwi.

"Oo, may duty pa ako," she slightly looked into her wrist watch, it's 5:30 pm, maaga pa.

"Celebrate tayo sa Miyerkules?" aya ni Jordin, nasa mga upuan na sila banda, kinuha nito ang bag, dinampot niya rin ang kanya saka inilagay ang makapal na script sa loob.

"I like that! Saan?" sang-ayon ni Lexi.

"Mag beach kaya tayo? Ano, Paise?" si Kam.

Ngumiti siya at tumango, it's been so long since she last went to the beach, mga isang taon na siguro kaya naman napapayag siya agad.

Hindi naman masyadong malayo ang beach rito sa kanila, sadyang wala lang silang time para magliwaliw, pare-pareho silang mga estudyante saka may mga responsibilidad pa labas doon.

"Overnight tayo, libre ko na ang hotel," nangilay si Jordin sa kanila, may masamang ngiti sa labi.

Nang may maalala ay nais niyang magprotesta.

Don't tell me na ang perang gagamitin nito ay ang sa sugar daddy?

Nagkatinginan sila ni Lexi, mukhang pareho sila ng naiisip, matapos ang ilang segundong telepathy ay nagtawanan sila, tumawa rin si Jordin, tila nahulaan ang sa kanilang utak, parang wala lang din namang kaso rito, nakikisabay nga e, samantalang ang walang alam na Kam ay hindi naka-reak.

"Dalhin ko ba? Gusto niyong makilala?" Jordin teased more.

Nanlaki ang kanyang mga mata, she was so brave to say that, huh! So brave to flaunt her sugar daddy, ilang taon na kaya iyon? She doesn't wanna give criticism, she's just curious.

Curious kung anong klaseng relasyon meron ang dalawa, kung paano nila itrato ang isa't isa.... she's curious...

E kasi meron ka rin! Bulong ng kanyang utak. Iginulong niya ang mata.

Bwesit ka brain, gusto mo bang lumabas diyan sa skull ko, wala ka rin naman silbi kapag nariyan si sugar daddey.

"Sige ba! I'm excited!" Lexi exclaimed. "Dadalhin ko 'yong boyfriend ko... dalhin mo rin ang sa'yo, Paise."

"H-huh?" nagulat siya roon, nabanggit ba niya dito na may boyfriend siya?

Syempre, hindi! Wala naman akong boyfriend e.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Where stories live. Discover now