Chapter 21

9.2K 187 97
                                    

"I called mom and dad, pasimple akong nagtanong tungkol sa'yo, wala pa silang clue so it's not them," ani nitong puno ng kompyansa.

Hindi siya sumagot, ayaw niya man sa presensya ni Deborah ay wala siyang magagawa, pagtitiisan na niya. Nagagamit niya ito though she still doubts her presence, she doubts if she's telling the truth.

It's not them, edi sino? Wag ako!

She knew she might be crazy for staying close to this woman but no.... the circumstances won't just support her ideas.

Deborah being pregnant, single won't be considered! Kaya ano ito?

Kung nagsasabi ito ng totoo na natawagan nito ang mga magulang, ibig sabihin hindi pa nila alam na buntis ito.

Naguguluhan talaga siya.

Deborah... ano nga bang tumatakbo diyan sa utak mo?

Nakakapanibago ang pagiging kalmante nito sa kanya, kung magbabalik tanaw lang siya, simula nang makilala siya nito ay walang oras na hindi siya nito inalispusta.

Naglalakad sila galing sa check up, Lunes ng umaga, mamayang alas dyes pa ang kanyang pasok. Lalaki ang magiging anak nito, nakita niya kung paano nito tingnan ang anak, mukhang gusto naman nito kaso lang, maling sirkumstansya, ayan tuloy.

Pasado alas otso pa lang naman ng umaga, ang payo ng doktor ay mag exercise si Deborah kaya ito sila naglalakad.

Tss... exercise na ba 'to?

Napatigil sila sa kumpol ng mga tao sa harap ng bagong-bagong building di kalakayuan sa ospital. It is a three storey, almost full glass building. There are media men roaming around, maraming ballons, chairs and guards.

"May ano po dito?" tanong ni Deborah sa isang nakatayong babae, nasa likod sila banda, saglit niya itong tiningnan.

Aba, marunong na rin gumamit ng po ang babaeng 'to!

Na magic yata!

Kinikilabutan siya.

"Ay, pasisinayaan ngayon ang museum ng lungsod, hija... doon kayo sa una, maupo kayo, buntis ka pa naman."

Museum...

Just like the Museyo Kutawato.

She smirked when she remembered her bad memory on that place.

Ayaw niya sanang um-attend ng ganito kaso hinila na sila ng babae upang makaupo, nasa mga huli silang hilera ng upuan dahil okupado na ang nasa una, may palakad-lakad pa roong mga taong may bitbit na camera na manaka-nakang sinasaway ng mga naka-unipormeng bantay.

Bawal ba ang media?

"Magaling daw ang gobernador dito, balita ko," pagbubukas ng pag-uusapan nito, kakaupo lanh nila.

She wasn't shock to know that she knew it kahit ilang linggo pa lang ito rito. Deborah grew up with the power of politics kaya malamang interesado ito sa mga ganitong usapin.

"Iyon din ang alam ko," pagwawalang bahala niya.

She just doesn't wanna talk... with her, ayaw niyang mahulog sa pagkukwento rito at makapagsabi pa siya ng kung ano.

"Are you not sure? Taga dito ka."

"I'm not interested... in politics."

Oo... hindi...

Kay Gov lang...

She smirked secretly.

Sa taong mahilig lang sa politika lang ako interesado. Andito kaya iyon?

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Where stories live. Discover now