Chapter 1

22.4K 309 35
                                    

Masyadong komplikado ang buhay para intindihin. Hindi rin ito palakaibigan para laging makiayon at magbigay.

Sa palagay nga niya, nanadya ang tadhana dahil kung kailan siya walang-wala saka darating ang alon ng problema. Hindi ito titigil sa pagsubok hangga't hindi siya naiiwang pigang-piga at wala na halos buhay.

Gabi na nang lumabas si Paisley sa bago nilang tirahan. Hindi kalakihang pinauupahang apartment, walang sariling kwarto, iisa ngunit may kalakihan ng papag na naroon, kasya silang tatlo, ganoon pa man, mayroon itong sariling banyo at lababo.

Ito lang ang inabot ng pera niya, nila ng mama niya. Buti nga at napakiusapan niya ang land lady na kung pwedeng 'wag na munang mag deposit dahil walang-wala talaga sila, naawa siguro ang matanda.

Nasa ikalawang palapag ang inuupahan nila, mayroong bakal na hagdan pababa na laging lumalagitnit sa tuwing maapakan na ani mo'y masisira na.

Maingay ang paligid dahil nalalapit rin ito sa pagiging squatter's area, sanay naman siya, kaso lang, iba kasi ang ambiance ng syudad sa probinsya.

Bago siya naglakad sa kalsada ay tiningnan niya ang bintana ng kanilang apartment, nakadungaw sa kanya ang maysakit niyang ina, alam niyang ihahatid siya ng mata nito hanggang sa kaya nitong abutin.

She smiled to assure that everything will be alright. Deritso lang ang kanyang lakad hanggang sa makalabas siya sa highway at sumakay sa dyip. Sinipat niya ang lumang pambisig na relo, mag-a-alas otso na ng gabi.

Nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang club, alam iyon ng kanyang ina, ayaw man nito ay wala silang mapagpipilian, pare-pareho silang magugutom.

Alas nuebe nagbubukas ang pinapasukan niya, Cloud9 Pub, tambayan ng mayayamang suwail na bata na walang ginawa kundi magwaldas ng pera sa alak at sigarilyo.

Kung ako lang may perang ganoon...

Naghahanda na ang mga kasamahan niya nang dumating siya, agad siyang lumapit sa kanyang locker at sinuot ang uniform na kunting tuwad lang, kita na ang lahat, hapit rin sa dibdib, na hindi na siya makahinga halos.

Ngunit kailangan niyang magtiis, nagse-serve lang naman siya at walang ibang ginagawa, minsan may tip pa kaya nakakadagdag iyon sa ipon niya lalo pa't nagpa enrol na siya at sa susunod na linggo, pasukan na.

Alam niya... malabong matapos niya ang pag-aaral dahil sa sitwasyon, may sakit ang ina, may upa, may pagkain, lahat nakaasa sa sweldo niya rito, pero hindi naman masama kung susubukan niya, kung mangarap.

Installment naman ang bayad kaya...baka kayanin niya rin.

She had applied for scholarship programs under the government ngunit hiningan siya ng pagka-rami-raming requirements, e alangan namang umuwi pa siya ng Cotabato para hagilapin iyon. Kahit anong pakiusap niya ay wala talaga siyang napala, pumila pa naman siya ng halos buong araw!

Ngunit ang pambungad na iyon ay hindi niya pinansin, mas lalo lamang siyang nagpursige dahil alam niyang mas lalo lamang silang maghihirap kapag hindi siya nag-aral.

"Hey beautiful..." tawag sa kanya ng lalaking nakaupo sa sofa, may kasunod pa iyong sipol. "Whiskey..." halos bulong nitong sabi.

Pagkatapos niya iyong dalhin ay inabutan siya nito ng tip.

Sa magtatatlong linggo niyang pagta-trabaho ay halos nasanay na siya sa mga bastos na bunganga ng mga lasing, wala naman iyong kaso kapag hindi masyadong inintindi. Trabaho ang priyoridad niya kaya okay lang.

"There goes my favorite girl..." nakangiting sumenyas sa kanya ang isang lalaki sa kabilang sofa. "Paisley, hindi ko talaga makalimutan ang pangalan mo."

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon