Chapter 8

11.2K 250 100
                                    

Happy 1k reads! Love you all! Thank you!

mev

* * * * * * * * *



"Pesteng yawa ka daddey! Ano hambal mo!? (darn you daddey, what did you say?)

Nagsalubong ng matindi ang kilay ni Draco sa kanya, hindi niya iyon pinansin dahil nagkaroon na yata ng literal na tigidig sa kanyang dibdib.

Hindi siya lasing ngayon, klarong-klaro sa kanyang pandinig ang sinabi nito.

O baka naman, nagha-hallucinate siya.

But no!

He called her baby and he sounded serious in her senses, nakakakilabot pala kapag ikaw na ang sinasabihan.

Kapag naririnig niya iyon kina Reece at Damien ay nais niyang masuka, but then, what the fuck is this?

"What did you say Paise?"

Shetee, kahit na ang pagtawag lang nito sa kanyang pangalan ay nagiging tunog delikado na.

"Anong sabi mo?" balik rin niya.

He smirked, he put down the handkerchief and looked into her eyes.

Is he trying to control her through his eyes? It's effective!

"Someone scared you... I am angry," he said almost breathy.

Teka bakit ka galit?

Natameme siya sandali, buti naman at hindi na nito dinugtungan ng baby, kapag talaga umisa pa, nakowww...

Baka mahalikan ko na!

Hindi sinasadyang napatingin siya sa labi nito, medyo pula, mukhang malambot... mukhang masarap!

Ugh! Patikim dali!

May gatas ka pa sa labi Paisley! Remember, tinawag ka niyang onse!

"Now, what did you say Paise?"

Alam niya, nakita nito ang kanyang panitig.

"Nakakatukso ka," nanlaki bigla ang kanyang mga mata sa kanyang nasabi sabay kagat sa labi niyang makasalanan.

Bugso lang po ng damdamin.

She's just being honest, di ba masama magsinungaling?

Oo at masama ako... sinungaling kasi, ngunit minsan mabuti rin naman.

Siguro hindi naman masama kung magsinungaling para sa ikabubuti ng kapakanan. Masama ang pagsisinungaling kapag nakasisira na.

Whatever the opinion of others, her opinion matters most dahil buhay niya naman ang pinag-uusapan.

Tumikhim ito, nagising siya sa kanyang pag-iisp.

"Do you have any idea why you're followed?" pag-iiba nito sa usapan.

Agad siyag umiling, nanatili ang mata nito sa kanyang mukha ng ilang segundo. 

Umiling siyang muli, hindi kumbinsido ang mukha nito.

"Wala akong alam."

"Is that so? Ayaw ko sa sinungaling Paise," he sounded serious and grim on the last part.

Natigil siya sandali roon, nais niyang umiwas ng tingin dahil pakiramdam niya basang-basa nito ang kanyang pag-iisip.

Parang nakakatakot magkamali sa harap nito.

"H-hindi...  b-baka napagtripan lang ako."

Nanatili ang mata nitong nambabasa ng ilang sandali bago lumipat sa unahan dahil pumasok na sina Manuel at Pablo. Magtatanong pa sana siya kaso naunahan siya.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Where stories live. Discover now