Chapter 22

9.5K 195 111
                                    

Mula sa pagkakadukduk sa arm chair ay nagtaas ng tingin si Dylan nang maupo siya sa tabi nito.

"Mugto yang mata mo, nag-away kayo ni sugar daddy mo?"

Pagod niya itong tiningnan, wala sa mood makipag-asaran, she had cried hard last night because of Zayd, because her heart is incapable of loving such a good person.

Not that Draco wasn't good enough or anywhere less to Zayd... but that man is just so different case.

"Hindi..."

Marahil naramdaman nito ang bigat ng damdamin niya kaya hindi na siya kinulit pa. Forrest came in, pinansin rin nito ang kanyang mata, nakita niyang senenyasan ito ni Dylan kaya tumahimik.

She felt like heartbroken too, parang naipasa ni Zayd ang sakit sa kanya.

Huminga siya nang mabigat, bago napatingin sa ipinatong na chuckie ni Dylan sa kanyang armchair, may isa din para kay Forrest.

"Tuwing nalulungkot ako, umiinom ako ng chuckie... baka umipekto," sumimsip ito sa straw.

Umupo itong muli, hindi niya man lang napansin na lumabas ito, may isang oras kasing pagitan ang pang-umaga nilang klase, natapos iyong una ng hindi niya namalayan.

"Salamat..." aniya bago inabot ito, she sipped it, the chocolate settled on her mouth for a while. "I'm heart broken..."

"Sabi na, si sugar daddy talaga."

"May sugar daddy ka, Paise?" Si Forrest.

Umiling siya.

"Sugar daddy na hindi sugar daddy, Forrest," paliwanag ni Dylan na lalong ikinagulo ng isip nito.

"Hindi nga... nakasakit ako ng tao. Mahal ko si Sugar Daddey, kahit na... ngayon lang kami nagkita... and there's this person, he'd been loving since I was first year... I can't love him, kahit na lahat ng mabuti gawin niya... I hurt him, he cried on me last night... hindi ko inaasahan na aabot sa puntong ganoon..."

Natahimik silang tatlo, kalauna'y tumunog ang chukie ni Dylan dahil ubos na pero patuloy pa rin nitong sinisimsim.

"Problema nga," pahabol nito. Wala talagang mapupulot na maganda dito.

"If he's a real man, he'll understand Paise," si Forrest, "you cannot force love. No matter how many people you met, you'll go back to the one you love. Kahit ano pang nagawa ng isang tao sa'yo, ibigay man niya ang mundo sa'yo, kapag puso ang usapan... babalik iyon doon sa mahal. Real love can't be just shifted, can't be stolen."

Hanggang matapos ang klase ay hindi maalis sa kanyang utak si Zayd, he deserves someone much better, iyong kayang ibalik ng buo ang pagmamahal rito.

She doesn't wanna hurt him, ngunit mas masasaktan ito kung magpapanggap pa siyang mahal niya ito at kalaunan ay sasabihing hindi naman.

She had read a lot of scenes like this in the novels, doon ay kinukutusan niya ang mga female lead kung bakit ayaw tingnan ang mapagparayang second lead, Zayd is a walking green flag, ang hirap pala kapag sa personal na, totoo pa lang hindi kayang pilitin ang puso.

Ang sakit ng kanyang damdamin ay ikinain nalang niya ng street food sa labas ng gate, alas tres pa lang naman ng hapon, mamayang alas kwatro pa nila balak umalis, mabuti nga iyon, tiyak na gabi na sila darating sa isla, wala ng matang titingin.

She had prepared every stuff she needs, magbibihis na lang siya at hihilahin ang bag mamaya.

She got a cup of fried chicken intestine and coke, kumain siya sa tapat mismo ng pinagbihan niya, magdadag pa siya mamaya.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ