Chapter 16

9.1K 192 95
                                    

"Paisley Ellineth.... Diaz?" nag-aalinlangang tawag ng bago niyang english teacher sa harap.

Naiilang niyang itinaas ang kamay, magtatanong na naman siguro ito tulad ng mga mauna, baka kwestyunin naman kung paano niya nakuha ang apelyido, sinong ninuno niya.

Her surname is famous, hindi lang nababagay sa kanya.

Ilan sa mga classmates niya ang tumingin, with their mocking faces and measuring gazes, kung palaaway lang siya, malamang madalas siyang napapa-principal's office rito.

She was guided properly by her mom not to cause any commotion in this school, be well-behaved kung gusto niyang makatapos ng high school sa magandang paaralan.

She's behaving well, yes, partly because of her mom's words, the half of it was because of her own choice, she doesn't want to be bothered by anything, pinili niyang huwag makialam at makisangkot sa kung ano para hindi na malaman ng mga tao ang presensya niya, mas payapa pala kapag wala siyang alam, walang po-problemahin, walang babagabag.

Mag-aaral nalang siya ng tahimik, dadaanan ng tahimik, masasaktan ng tahimik.

She shook her head and looked straight in front, nang makita siya ng teacher ay medyo nagulat ito.

Sandali silang nagkatitigan bago binalikan ng mata ang hawak na papel, tila siniguradong tama ang nabasa.

"Ms. Diaz... can you meet me in the office at lunch break?"

Kimi siyang tumango bago ibinaba ang mata sa notebook na sinusulatan. Habang nagtuturo ay nahuhuli niya ang hindi mapalagay nitong paningin sa kanya, sandaling tititig sa iba niyang kaklase sunod ay babalik uli sa kanya, tensyonado tuloy siya.

Kakapasok lang nito, she's the new grade 8 english teacher, tansya niya'y nasa mahigit trenta na, may katangkaran, mukhang may lahing Espanyol base sa hilatsa ng mukha, maganda at mukhang mabait naman.

Nagpakilala ito kanina, she's Estelle Canlas, and why she's being called is still a question.

Naabutan niya ito sa labas ng opisina, nakatayo at mukhang naghihintay sa kanya, umaliwalas ang mukha nang makita siyang papalapit.

"Good noon po ma'am Estelle."

She smiled widely.

"Good noon, akala ko di ka na darating. Come on, let's get inside."

Iginiya siya nito papasok, medyo nagulat pa siya ng alalayan siya nito sa siko, pinaupo sa sofa sa maliit nitong tanggapan. Iniwan siya nito upang lumapit sa may cabinet, pagbalik nito ay may bitbit na itong supot ng pagkain mula sa sikat na fastfood chain, nakita na niya ito sa TV.

"Let's eat first Paise... marami akong biniling pagkain," binuksan nito ang isang box, may fried chicken at kanin, "I'll buy you better food next time, Paise, rush kasi ito."

May binuksan uli ito, may spaghetti, may burger at inumin.

Gusto niyang tumikim ngunit pinigil niya ang sarili, tiningnan niya ang teacher na nakatitig lang sa kanya ngayon, may manghang mata, hindi makapaniwala.

"May ipapagawa po ba kayo ma'am?"

Umiling ito bago tumayo at tumabi sa kanya, maiigi nitong tiningnan ang kanyang mukha, naiilang siyang hindi niya maintindihan.

"How old are you, Paisley?"

"14 po ..."

"14, you're so grown up..." muling pumasada ang mata nito sa kanyang mukha, namamangha na naman, "do you know me?"

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon