Chapter 21

3 0 0
                                    

Chapter 21
Menthrata's Village

When Celestine and Shawn were already done questioning some of the civilians and some of the royalties are done with buying market products, we started leaving and continue to our route.

Hailey was grinning while eating the food she bought. Kanina pa kasi ito nagrereklamong nagugutom kaya ngayong nakapagpahinga na kami ay kumain na ito pero hanggang sa aming paglalakad ulit ay kumakain pa rin.

"Saan galing ang ibang pagkain na yan?" Tanong ko sa kanya na nagtataka.

"From the Academy?" Takang tanong nito at nagpatuloy.

Akala ko kasi ubos na yung kinain niya kanina. I doubt na baka hindi lang damit at gamit ang nasa loob na dala niyang bag, baka puro iyan pagkain. Napailing nalang ako at hinayaan siyang lamunin ng lamunin ang pagkain na dala.

The journey towards the village was surprisingly peaceful. Nakakapagtaka na masyadong mapayapa ang paligid knowing na may demon power na gumagambala sa lugar. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ang mga mamamayan na kay bilis ng mga kilos tila may hinahabol na oras.

Some of them glance at us pero inalis din kaagad ang kanilang mga tingin. Wala akung narinig ni tawanan at pagsasalita at purong mga yapak lamang ng mga paa at bawat hampas ng mga kagamitan sa tuwing sila ay may ginagawa.

"Isn't it creepy?" Bulong ni Viviene sa aking gilid.

I nodded at her as I eyed the village again. Masyado itong tahimik sa lugar na may demon power na nagkakalat.  Hamak na mas lalo kaming nakilalang dayuhan dahil sa aming kasuotang malayong malayo sa ordinaryo at pangkaraniwang suot na aking nakikita sa paligid. Idagdag pa na ang mga kasama ko ay nakasuot ng mga cloak.

Si Shawn ang unang umalis sa grupo at may nilapitan na matandang babae. Napatigil ang matanda habang nakatingin sa akin. Nakitaan ko ito ng takot ngunit agad itong nawala ng huminto si Shawn.

"Magandang araw po, pwede po ba kaming magtanong kung saan ang pwedeng matutuluyan dito?" Tanong ng prinsipe.

Napabaling ako kay Hailey ng kumapit ito sa aking braso. May itinuro ito hindi kalayuan kaya tinignan ko kung ano ito. A group of villagers are coming towards us, pinapangunahan ito ng isang may kaedaran na din na babae. Siguro mas matanda ng kunti kay Miss Bethany.

"Walang magpapatuloy sa mga dayuhan dito. Umalis na kayo habang maaga pa," babalang sabi ng matandang tinatanong ni Shawn. 

Hindi din nagtagal ay nakalapit na sa amin ang grupo ng mga taong naninirahan doon. Humakbang palapit ang nangunguna sa kanila. May strikto itong mukha habang pinagmamasdan kami ng mabuti. Tinignan niya ang aming kabuuan at ang aming mga kasuotan, tinitignan niya din kami isa-isa. Viviene grip my left hand tightly ng dumaan sa amin ang paningin ng matanda. 

"Anong maipaglilingkod namin sa inyo mga bata?" striktong tanong ng babae at hinarap si Shawn. Kahit sa tawag nito na tila namamaliit ay hindi natitinag ang prinsepe at nananatiling walang bakas ng emosyon ang mukha habang nakatitig sa matanda. 

"Nais po naming magtanong kung may matutuluyan ba dito? Pagabi na din kasi, kailangan namin ng matutulugan at malayo pa ang aming lalakbayin kinabukasan. Paubos na din kasi ang mga pagkain namin," mahinahong saad ng prinsepe. Napanguso ako dahil sa narinig, tila sanay na sanay na ang prinsepe sa ganitong setup at alam na niya ang mga nararapat na sasabihin para makumbinsi ito. Nakita kung kumunot ang noo ng matanda at pinagmasdan kami ulit.

"Sa nakikita ko ay hindi kayo pangkaraniwang mga mamamayan, hindi kami basta basta nagpapapasok ng mga taong estranghero sa amin lalo na at nakasalalay ang buhay ng aking mga kasamahan," kunot noong saad nito. 

Austreville: The First FallWhere stories live. Discover now