Chapter 8

3 0 0
                                    

Chapter 8
The Blindfold Attack 1

Napakurap kurap ako at napatingin sa kisame. It was all white, what the hell happened?

"Finally! Gising kana din!" Saad ni Viviene sa aking gilid kaya napabangon ako. I closed my eyes in pain as I touch my head. Damn ang sakit ng ulo ko.

"Okey ka lang ba?" Pag-alala ni Viv sa akin.

"W-What happened?" Saad ko dito. Napasimangot naman ito.

"Eh kasi naman! Bakit mo nilagay halos lahat ng fairy dust sa pot niyo? Sumabog tuloy." Saad nito.

Well, all I can remember is an explosion. Dahil ba yun sa nilagay ko? Sinunod ko naman ang procedure ah?

"Ang sabi ng libro, dahan-dahan. Ano ba ang dahan-dahan sayo ha?" Pagsesermon ni Viviene na ikinasimangot ko na lamang.

"Eh anong nangyari pagkatapos?"

"Ayon! Nahimatay ka! Na shock ka siguro kasi sayo ba naman sumabog lahat. Nagalit si Mrs. Hamilton and gave you D, I told you strict yun. " Saad nito na mas lalong nakakapanghina ng loob. Unang subok ko pa nga lang nasa bad side agad ako ni Mrs. Hamilton.

"At alam mo kung anong nakakaintriga?" Saad nito at may malaking ngisi sa kanyang labi.

"Ano?" I answered as I creased my forehead.

"Well, binuhat ka lang naman ni Zach papunta dito! Swerte ng gaga!" She exclaimed then chuckled na ikinasimangot ko na lang.

"Pero lagot ka, mukhang galit na naman sayo ang prinsepe ng apoy." Napailing na lang ito.

Well, kasalanan ko naman. For sure kapag nagkikita kami sasabihan lang ako ng stupid non, kainis.

Time passed like a blur, pagkatapos ng insedenteng iyon nagpaalam ako kay Head Master na lalabas sa town para sana bibili ng damit ngunit hindi ito pumayag. Ayon sa kanya si Ms. Bethany na lang daw ang bibili dahil marami pa din kasi akung hahabulin na klase, may tiwala naman ako kay Ms. Bethany kasi nagustuhan ko nga yung dress na pinahiram niya sa akin.

Nandito kami sa dining hall at kumakain ng lunch, pagkatapos kasi nito ay may combat training kami, this is my first time dueling against my age except Naha of course. May kunting kaba at excitement akung nararamdaman, and I'm looking forward with this class.

Natapos ang lunch namin ni Viviene ay pumanhik na kami sa training room. It was a huge hall, kung saan sa gilid ay sandamakmak na weapons ang iyong makikita, sa gitna naman ay parang isang stage kung siguro saan may magaganap na laban.

Nakasuot kami ngayon ng combat attire namin, it was fitted on me, a pair of combat boots, combat pants and corset armor with pauldrons.

"Sinong magtuturo sa atin?" Tanong ko kay Viviene na tahimik din nanonood sa aming mga kaklase.

"Ah, si Mr. Rio, magaling na combat teacher," saad nito. Hindi din kalaunan ay dumating na din ang mga royalties suot din ang kanilang combat attire at talaga namang nagsusumigaw pa din ang kanilang pagiging banyaga kahit pare-parehas lang naman kami ng suot.

"Hey Laurine, okey ka na?" Tanong ni Harith na may malaking ngisi sa labi. Hindi nga pala namin nakasalamuha kaninang umaga ang Royalties dahil may ibang schedule din sila at kaninang lunch si Shawn at ang dalawang babae lang ang nasa dining hall.

I smiled at Harith then nodded, tumabi ito sa akin na parang matagal na kaming magkakilala. I saw how Viviene blush in my right side while looking at the prince beside me who was talking animatedly.

"Ang cool mo ah! Balita ko pangalawang beses mo ng bumisita sa clinic simula nong pumasok ka dito?" Natatawang saad nito na ikinasimangot ko.

"Yeah, ang malas diba?" Natatawang saad ko din.

Austreville: The First FallWhere stories live. Discover now