Chapter 18

7 0 0
                                    

Chapter 18
Class S

"Is she really fine?"

"Yes, siguro dahil pagod lang talaga siya kaya nahimatay. Lalo na't she met her power limitations kaya ayan,"

"Kailan siya gigising?"

The other person sighed.

"We'll wait."

I don't know where I was pero rinig na rinig ko ang pag-uusap ng mga tao sa aking paligid. My body seems too heavy and even my eyelids, ang hirap buksan ng mga mata at parang hinihila pa ako nito sa antok. Hindi na nilabanan iyon ay hinayaan ang aking sarili na hilain ulit sa kadiliman.

I don't know how long did I take a nap but I slowly opened my eyes at agad bumungad sa akin ang ilaw sa kisame. I blink because of the sudden light entering my sight. Unti-unti kung ginalaw ang aking mga kamay kahit na sa tingin ko'y mabigat pa din ito. I pinched the bridge of my noes ng naramdaman ang sakit sa aking ulo. But then I winced when I felt the pain in my left arm. Napabaling ako doon, it has a bandage.

I sighed. What time is it? Napabaling ako sa taong lumapit sa akin. I think its one of the healers.

"Gising ka na pala, how are you feeling?" Maamong tanong ng babae habang suot pa din ang school uniform.

"My head hurts," saad ko at umayos sa pagkakahiga.

"Well thats given, lalo na't napuruhan ka sa rankings." Saad nito at may nilapag na parang potion sa lamesa.

"You're wounds are healed. Nagamot ka na ng healer but the one in your arm was too deep but it will heal in a short period of time. Hindi mo pa nga lang maiiwasan na maramdaman ang kirot diyan." Saad nito. Nakikinig lamang ako sa kanya habang ang daming mga tanong na tumatakbo sa aking isipan.

"Drink this, para gumaan ang pakiramdam mo," she said while glancing at the bottle at the table. Tinulungan niya ako sa pag-upo at binigay sa akin ito. I drink the potion she gaved me at agad kung naramdaman ang kaginhawaan.

"Your friend is out for the mean time. Magdadala siya ng pagkain. She will be back later," tumango ako sa kanyang sinabi.

"Anong oras na ba?"

"Oh, its quarter to 7," kumunot ang aking noo dahil sa narinig. Nakita niya sigurong naguguluhan ako kaya nagpatuloy siya.

"You've been asleep for 19 hours."

My lips went in a grim line dahil sa narinig. Iniwan na ako ng healer doon kaya hinayaan ko na lamang ang sariling mahiga. Hindi din nagtagal ay nakita ko si Viviene na papalapit sa akin.

"Hey!" She greeted me at agad umupo sa upuan malapit sa kama.

"How are you feeling?" Tanong niya.

"I'm fine, kanina masakit ang ulo ko at medyo kumikirot ang braso." Saad ko sa kanya. She tilted her head as she eyed my arms.

"I can definitely heal that, pero hindi ako ang naka assign sayo eh. I'm done with my rankings," she pouted. Ah, naalala ko na responsibilidad pala kami ng mga healers kapag may nangyari sa amin.

"Anyways, I bring some food." saad nito at nilagay ang supot sa tabi ng potion bottle na wala ng laman.

"Ano ba kasi ang nangyari? My memories are blurred." Saad ko sa kanya.

Ngayon naman ay nanlaki ang mata niya ng may naalala.

"Oh! You won't believe this pero napatay mo ang cerberus!" She said cheerfully.

"Yes Viv, I know for the fact that I killed it. But what happened after?" Tanong ko ulit pero hindi na niya pinuna ang sinabi ko.

"But you know what! A lot of us was so shock na cerberus pala ang makakalaban mo. Akala ko nga ay mapupuruhan ka kung sakali. Thats a high tier monster na madalas kinakalaban ng mga royalties!" Her forehead creased after she said that.

Austreville: The First FallWhere stories live. Discover now