- vingt et unième -

Start from the beginning
                                    

"Pupunta daw dito si Paris." sabi ko kina Brook at Jess pagbalik ko sa bench na kinauupuan namin kanina.

"Oh bakit daw? Para samahan ka, ganoon? Hanep si Fuji ah. Nainggit yata, ayaw ng nag-iisa ang one and only niya." tapos nagtawanan sila ni Jessica.

"Ang sweet talaga ni Paris, friend. Sabi ko sa'yo e, siya na lang." nag-peace sign pa sa akin si Jess habang natatawa. Noong una kasi, si Lyle ang gustung-gusto niya para sa akin pero siguro dahil sa kakasama niya kay Brook kaya si Paris na daw ang gusto niya. Hay, ang gulo talaga ng dalawang 'yan.

x - - - - - - - - - - x

"Nice one, Fuji!" bati ni Brook kay Paris pagdating niya dito sa Dell Park.

Nag-handshake at akapan silang dalawa bago siya tumabi sa akin at akbayan ako. Ughh, ang clingy talaga ni Paris simula nung magkakomprontahan kami six months ago. Sinusubukan ko nung una na bumitiw sa mga hawak niya pero siya talaga itong mapilit hanggang sa hinayaan ko na lang siya. Wala na akong magagawa, ang kulit niya e.

"Oo, sabi ko kasi magkita kami pero ayaw naman niya. Eh 'di akong susundo sa kanya." tapos tinanggal niya ang aviator shades niya sabay tingin sa akin.

"E paano naman kasi--" 'di ko na naman naituloy ang gusto kong sabihin dahil inunahan na ako ni Jess.

"Ang sweet ni Paris, shet, nosebleed friend! Sige na, umalis na kayo't nakakaabala na kami Brooklyn sa inyong dalawa. Bye!"

"Oy Fuji baka kung saan-saan mo lang dalhin si Sasha ha." si Brook.

Sapilitang hinila ni Jessica si Brook paalis kaya wala na kaming nagawa ni Paris kundi ang maiwan dito habang siya naman ay natatawa sa sinabi ng dalawa sa amin.

"Tara na."

"E-eh? Saan na naman tayo pupunta?"

Hindi niya ako sinagot, sa halip pumunta siya sa likuran ko at hinawakan ang dalawang balikat ko at inakay akong maglakad papunta sa kotse niya. Nagmaneho na siya pagkapasok namin sa kotse at 'di na rin ako nag-usisa kung saan na naman kami pupunta.

"Gusto kong kasama kita hanggang midnight mamaya." sabi niya sa akin.

Nilingon ko siya pagkasabi niya nun kasi nakatingin lang ako sa labas ng windshield. "Bakit?"

"Birthday ko 'di ba? Gusto kong i-spend 'yung unang minuto ng birthday ko kasama ka. Masama ba?"

Ito na naman ang sandamukal na paru-parong naglililipad sa loob ng tiyan ko pati ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ang weird na naman ng feeling ko. Bakit ba ganito?

"H-hindi naman." napayuko ako dahil sa pagkapahiya. Aish! Nakakahiya, muntik ko nang malimutan na birthday na pala niya bukas? Ni hindi ko man lang siya nabigyan ng regalo. Ang sama kong kaibigan!

"Akala ko tatalon ka dyan sa bintana dahil ayaw mo akong kasama e." humalakhak siya at ganoon na din ako.

Masasabi kong mas naging close kami ni Paris simula nung eksena sa hotel. Wait, kung iniisip niyong may nangyari sa amin, wala ano! Kumbaga ang ibig ko lang sabihin mas naging malapit kami sa isa't isa. Simula nung 'confession' portion namin, medyo mahirap mag-adjust kasi kung tutuusin parang girlfriend na ang turing sa akin ni Paris; inaantay ako hanggang sa matapos ang klase ko sa MBA, sinusundo niya ako kahit wala siyang klase sa Law School o tapos na ang klase niya para sa araw na 'yun. Hatid-sundo ako sa site ng construction ng Zurich at hindi niya rin ako pinapalapit kay Cedric. Possessive daw siya e. Magkasama kami noong Halloween, pati nung Christmas at New Year. In-enjoy namin ang company ng isa't isa at kung maaari iniiwasan naming pag-usapan 'yung tungkol sa akin at kay Lyle pati na ang isipin pa siya. Ayoko nang masyado pang mag-iisip dahil nakaka-stress lalo e.

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now