Epilogue

6.5K 273 55
                                    

Epilogue


Happy Ending



Alecx

I saw him just watching me from afar... Sinubukan kong ibalik ang atensyon ko sa ginagawa kasama ang mga bata pero hindi na naalis ang isipan ko sa kaniya. Sa huli ay nagpasya akong magpaalam nalang muna sa mga bata. Hindi ko alam kung maaabutan ko pa ba si Ryder pero sinubukan ko paring habulin siya at naabutan ko pa nga siya. He was about to get in his car nang makita niya rin ako. Natigilan siya at bahagyang bumalik at lumapit sa akin.

He was wearing casual clothing and I was also in my usual modest dress. Like what I usually wear now especially when I'm here at the orphanage. Mas naging komportable kasi ako kapag ganito. Simple lang ang ayos ko at medyo malayo na sa nakasanayan ko pero tingin ko naman ay mas gusto ko itong present version ng sarili ko. I smiled. "Aalis ka na?" I calmly asked him.

"I'm sorry, I was just... checking," hindi halos siya magkandaugaga sa sinasabi niya.

I nodded. "May birthday ang isang bata dito sa loob. Uh, baka gusto mong mag-stay muna? Magsisimula pa lang naman kami... O, nagmamadali ka ba? May pupuntahan pa?" I tried to invite him in again. Sa loob na siya galing pero hindi ko alam kung nagtagal ba siya...

He slowly nodded his head. Tumango rin ako at nagpatiuna na.

"I didn't mean to disturb you. I was just..." he tried to explain.

I halted a bit on my steps and turned to him. I gave him a small smile. It's been months since we last saw each other. Hindi na kami kasal... At hindi na rin kami nag-uusap... Ngayon pa lang ulit. "Ayos lang... Uh, ikaw siguro iyong tinutukoy nina Sister Angelique?" Naalala kong may sinabi nga sina sister na lalaking bumibisita rin dito minsan. Kahit sa mga bata ay narinig ko na rin ito. A man was visiting here aside from me and bringing food and toys for the kids. Naghinala ako... pero hindi ko rin lubusang maisip. Ilang beses sinubukan kong kilalanin ang taong iyon. Pero madalas din ay hindi ko siya maabutan. Ngayon lang siguro...

"Uh... yeah... The kids here are nice..." aniya.

I smiled more. Mukhang siya nga rin ang taong iyon. Hindi siya nagpakilala nang lubusan at mukhang ang lalaking sekretarya na madalas din niyang nakasama sa pagpunta rito ang tanging nagbigay ng pangalan. I nodded. "Oo, mababait talaga ang mga bata rito. Masunurin sila sa mga nag-aalaga sa kanila rito at masipag din sa pag-aaral nila."

Ryder nodded. We were walking back to where the kids are. Nakita ko si Jeth na sinalubong kami.

"There you are! I and the children were looking for you. Bigla ka yatang nawala..." he looked at Ryder too beside me.

Tumigil kami ni Ryder sa harap ni Jeth. "Jeth, this is Ryder Martinez. Rye, this is Jethro. He sometimes helps me here with the children, too..."

Nagkamayan ang dalawang lalaki sa harap ko. Ngumiti ako at tinawag na rin kami ni Sister Angelique. I also introduced Ryder to them na kilala na nga rin nila. Tapos na sa pagluluto para sa birthday ni Anika at ilalabas na rin ang b-in-ake kong cake para sa bata.

Isa si Anika sa mga batang napalapit na rin talaga sa akin. I'm even thinking of adopting the child...

"Wait here, tutulong lang ako sa kusina." paalam ko kay Ryder.

"I'll go with you." mabilis ding sumama sa akin si Jeth.

Tumango nalang ako at hinayaan ito. Pero nilingon ko rin si Ryder na nag-iwas ng tingin sa amin ni Jeth.

I sighed, but I can't help it also but to smile with what I'm feeling inside my stomach... Parang ang tagal na simula nang huli akong makadama ng ganito... I bit my lip.

So It's You (Villa Martinez Series #4)Where stories live. Discover now