Chapter Twelve

3K 182 33
                                    

Chapter Twelve

Sobrang sakit




"Thank you." nakangiti kong inamoy ang flowers na bigay sa 'kin ni Ryder. Parang nanliligaw pa rin siya sa mga ginagawa niya para sa akin kahit magpapakasal na nga kami.

He held my hand and we went home that night to my condo. Dahil sa nangyari sa aking aksidente ay hindi na naman muli ako pinapayagan ni daddy na mag-drive at ganoon din ang tingin ni Ryder. Kung hindi driver ay si Ryder ang madalas na naghahatid sundo sa akin sa trabaho. Ngayon nga ay sinundo niya ako sa company namin pagkatapos lang din ng trabaho niya sa kanila at may dala pa siyang flowers para sa akin.

Pagdating sa condo ay pinagluto niya pa kaming dalawa ng dinner. Naisip kong magpaturo na nga kay tita sa pagluluto. "Hindi ba busy si tita?" I asked Ryder about his mom.

Bumaling siya sa akin mula sa hinahain na niyang pagkain sa mesa namin. "No... She's mostly just at home," he shrugged.

Very unlike my mom na palaging nasa labas kasama ang mga amiga niya. I smiled. "Can I visit her this weekend? Sisimulan ko na rin sigurong magpaturong magluto."

Ryder smiled when he looked at me. Ngumiti lang din ako. "You don't like my cooking that much?" he playfully asked me.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What? No." umiling ako. "Siyempre gusto ko lang din matuto nang magluto para hindi naman palaging ikaw nalang ang nagluluto para sa akin. I want to cook you meals, too, you know... At isa pa gusto ko ang mga luto mo, Ryder." Nilapitan ko siya at ginawaran ng halik sa kaniyang pisngi.

He only smiled.

Kumain na rin kami pagkatapos niyang magluto.

So when Sunday came ay sa bahay lang kami ng parents niya. Both of his parents are there and Tita Railani was happy to see me. "Kumusta ka na, hija?" agad nitong pangungumusta sa akin.

Nakipagbeso ako. "Ayos naman po ako, tita. Thank you. Kayo po ni tito? Kumusta po kayo?" Busy rin kasi kami ni Ryder sa trabaho kaya halos ngayon lang din namin nabisita ang parents niya.

"We're fine, hija. Thank you. Kumain na muna tayo at mamayang lunch ay magluluto tayong dalawa at tuturuan kita." ngumiti si tita sa akin.

Ngumiti rin ako. Sa bahay na rin ng parents ni Ryder kami nag-breakfast. At siguro nga ay hanggang dinner na. So that probably means that I can learn cooking now sa parehong lunch mamaya at dinner na rin. I became excited to learn!

Sa totoo lang ay noon pa man may mga bagay na talaga akong gustong matutunan gaya nalang ng pagluluto, painting... And I don't think the reason why I don't know many other things is because I don't know or I don't have the skill, or I don't have a talent with it. I believe that things can be learned... Siguro kung gugustuhin mo lang talaga ay magagawa mo rin naman. Kaya nga lang ay wala na akong naging panahon. Bata pa lang ako at nag-aaral pa nang tinitrain na ako ni daddy para sa pagtatrabaho sa company namin. Dahil aniya ay responsibility ko raw iyon bilang tagapagmana. At nasanay na rin ako na itong trabaho ko lang ang ginagawa...

It's refreshing to learn new skills like in as simple as cooking. Maaring maging simple sa iba o madali lang naman talaga pero ituturing ko na itong achievement ko.

Pagkatapos lang kumain at magpahinga saglit ay sa kusina na kami ni tita. We'll be preparing our lunch for us four, sila ni tito at kami ni Ryder. Nagsuot kami ni tita ng apron.

"I'm really glad you're fine after the accident that happened to you, hija..." anang Mama ni Ryder nang bumaling ito sa akin mula sa mga lulutuin.

Ngumiti ako. "Yes, tita, ayos na po ako." I assured her.

Tumango siya. Bumaling siya sa mga hinihiwa naming gulay, pero muli rin siyang tumingin balik sa akin. Nagkatinginan kami at naghintay naman ako dahil mukhang may sasabihin siya... And then Ryder's mother sighed. "Alecx... ang sabi sa akin ng anak ko ay nagkakilala raw kayo sa isla ni Elisabeth..."

So It's You (Villa Martinez Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon